Ang multi-awarded ‘80s film na Oro, Plata, Mata ay muling napanood sa pinilakang-tabing noong Miyerkoles, Nobyembre 28, sa Cinema 2 ng Robinsons Galleria, Mandaluyong City.
Ito'y matapos i-restore ang kopya ng lumang pelikula, sa pagtutulungan ng ABS-CBN Film Archives, sa pangunguna ni Leo Katigbak, at ng Central Digital Lab, Inc.
Ang una sa mga na-restore na pelikula ay ang Himala ni Ishmael Bernal na ipalalabas ngayong Martes, Disyembre 4, sa Edsa Shangri-la Cineplex.
Ang mga susunod na ire-restore na pelikula ay ang Maalaala Mo Kaya (1994) at Madrasta (1996) ni Olivia Lamasan; Tanging Yaman (2000) ni Laurice Guillen; Anak (2000) ni Rory Quintos; Bagong Buwan (2001) ni Marilou-Diaz Abaya; at Dekada '70 (2002) ni Chito S. Roño.













