Inamin ni Meryll Soriano na gumamit siya ng illegal drugs noong kanyang kabataan.
Bukod sa aminadong natural na pagiging rebelde, naging dahilan din daw ng paggamit niya ng droga ang maagang pagkamulat sa showbiz.
Ang 35-anyos na aktres ay anak ng TV host na si Willie Revillame kay Bec-Bec Soriano, kapatid ng Diamond Star na si Maricel Soriano.
“I think, nasa dugo ko talaga ang pagiging rebelde lang. I think, matigas talaga ang ulo ko,” pahayag ni Meryll sa guest appearance niya sa episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, ngayong Biyernes, January 12.
Patuloy niya, “Nagrebelde rin ako kasi, I think, I struggled with show business, kasi I really wanted to go to school.
"Dun na nag-start yun."
Hindi raw niya natikman ang normal na kabataan dahil maaga siyang nag-artista.
Siyam na taong gulang lamang si Meryll nang ginawa niya ang kanyang unang pelikula, ang Rocky Plus V, noong 1991.
Lahad niya, “I wanted to go abroad for college na hindi ko magawa, and I was already working [as an actress].
“I felt like I’ve been working, and I really wanted to go and have an education abroad, tapos parang hindi puwede.
“So, yun na, nag-start na ‘kong magrebelde.
“Hindi ko ever naramdaman yung hindi ako kilala.”
ILLEGAL DRUGS. Dito na inamin ni Meryll na nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot.
“Nag-ano ako nun, nag-drugs.
"I think it’s just part of pagiging rebelde ko," pagbubunyag niya.
Pero idiniin ng aktres na matagal na niyang itinigil ang masamang bisyong ito.
“And ten years na 'kong sober. Ten years na 'kong clean.”
Ibinahagi rin ni Meryll ang natutunan sa pinagdaanang yugtong ito ng kanyang buhay.
“I think anybody who is going through a hard time should learn how to ask for help.
“I think that’s very, very important. Kasi yun ang nag-save sa ‘kin, e… when I asked for help… yung parang hind ko na kaya.
“Of course, yung faith mo din. Kasi nagising na lang ako isang araw, ta's, ‘Lord, ayoko na.’
"And then I talked to my parents."