Bela Padilla reveals reason why she broke up with Neil Arce

by Bernie V. Franco
Jan 25, 2018
Bela Padilla explains why she broke up with ex-boyfriend Neil Arce: "Pinili ko talaga, work, wala akong ibang pina-prioritize… May cancer kasi ang dad ko, so feeling ko, kailangan kong mag-prepare kaya ako trabaho nang trabaho. Kailangan kong mag-ipon in case na mayroong mangyari. Gusto ko lang ready ako."

Mas pinili raw ni Bela Padilla ang trabaho kesa sa dating boyfriend na si Neil Arce kaya sila nag-break.

January 2017 nang kumpirmahin ng Kapamilya actress ang paghihiwalay nila ng businessman-film producer.

Matapos mapaulat ang paghihiwalay nila, matipid sa detalye si Bela tungkol sa rason nito.

Naging mailap naman si Neil sa tuwing tinatangkang interbyuhin ng press tungkol dito.

WHO IS BELA PADILLA'S BOYFRIEND?

Neil Arce became Bela Padilla's boyfriend for four years. Year 2016 noong sila ay nag-break, pero nitong January 25, 2018 lang sinabi ni Bela, sa kanyang guesting sa ABS-CBN program na Magandang Buhay, kung ano ang reason. Pag-amin ng 26-year-old actress, "Pinili ko talaga, work, wala akong ibang pina-prioritize…May cancer kasi ang dad ko, so feeling ko, kailangan kong mag-prepare kaya ako trabaho nang trabaho. Kailangan kong mag-ipon in case na mayroong mangyari. Gusto ko lang ready ako."

Tuloy, nawalan siya ng oras kay Neil.

“So, for a time, wala na akong pinrioritize kundi trabaho.

Continue reading below ↓

"Na kahit na araw na walang trabaho, na sobrang rare, na parang every day naman may work, pag may isang araw na walang trabaho, mag-iisip ako kung anong puwede kong gawin para pagbutihin pa yung trabaho ko.

“So, nandun na lang talaga yung utak ko.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"So, nawalan ako ng oras dun sa ex ko, I guess.”

Pangungumpisal pa ni Bela, “Parang nung kailangan nang mamili, ang pinili ko, work talaga.”

Ipinakita naman daw ni Neil na nauunawaan niya ang sitwasyon ni Bela, subalit naawa raw ang aktres sa nobyo dahil hindi na niya ito nabibigyan ng oras at panahon.

Saad niya, “Naintindihan niya, sobra.

"Pero parang ako na yung nagsabi, ‘Kawawa ka naman. Hindi talaga kita mabigyan ng oras.’

“Parang deserve naman niya ng tao na kaya siyang kausapin.

"Parang minsan, imbes na kausapin ko siya, itutulog ko na lang, kasi wala talaga akong tulog.

“So, sumasama na yung loob ko para sa kanya.

Continue reading below ↓

“Parang hindi naman ito yung deserve mo. Sobrang bait na rin naman niya talaga.”

Ayon kay Bela, single siya ngayon kahit na nali-link sa aktor na si Zanjoe Marudo.

Si Neil naman ay masaya sa napapabalitang girlfriend niya ngayon na si Angel Locsin.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla explains why she broke up with ex-boyfriend Neil Arce: "Pinili ko talaga, work, wala akong ibang pina-prioritize… May cancer kasi ang dad ko, so feeling ko, kailangan kong mag-prepare kaya ako trabaho nang trabaho. Kailangan kong mag-ipon in case na mayroong mangyari. Gusto ko lang ready ako."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results