Jameson Blake reveals Bugoy Carino, Jon Lucas on "indefinite suspension" from It's Showtime

by Arniel C. Serato
Mar 13, 2018
Suspended indefinitely sa Hashtags at It's Showtime. Ito raw ang status ngayon sa Hashtags members na sina Bugoy Cariño (gitna) at Jon Lucas (kanan), ayon sa kasamahan nilang si Jameson Blake (kaliwa).

Ilang buwan nang hindi napapanood sa It’s Showtime ang Hashtags members na sina Bugoy Cariño at Jon Lucas.

May mga blind item na nagsilabasan na tinanggal diumano ang dalawang miyembro ng Hashtags sa noontime show ng ABS-CBN dahil nakabuntis daw ang mga ito.

Sinasabing ang mga tinutukoy sa blind item ay sina Jon at Bugoy.

Nitong nakaraang weekend lamang, pinabulaanan ng volleyball player na si EJ Laure, 19, na siya ay buntis at ang ama diumano ng kanyang dinadala ay ang boyfriend na si Bugoy, 15.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa ginanap na set visit ng Kapamilya comedy show na Home Sweetie Home ngayong Martes, March 13, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang bloggers ang co-Hashtags member nilang si Jameson Blake tungkol dito.

Maiksi man, nagkuwento si Jameson sa tunay na dahilan ng pagkawala ng dalawa sa show.

Sabi ng Kapamilya actor, “Well, I can only say that they’re on indefinite suspension... indefinite suspension.”

Continue reading below ↓

Aware ba siya sa isyu na kaya raw suspendido ang dalawa dahil nabuntis diumano nila ang kanilang mga girlfriend?

Atubiling tugon ni Jameson, “I’m aware [of the issue] pero I really know nothing about it.

"Wala, wala akong masagot.

"I have no definite answer as of now.”

Samantala, hanggang ngayon, wala pang pahayag mula sa kampo nina Jon at Bugoy tungkol sa isyu.

JAMESON'S LOVE TEAM WITH MILES

Masaya naman si Jameson na regular na siyang mapapanood sa Home Sweetie Home bilang ka-love team ni Miles Ocampo.

Aniya, “It feels great to be in a new family, parang ganun na, pagka-teleserye kasi parang family o kahit anong show.”

Apat na taon na sa ere ang show kung saan may mga bagong ipakilalang cast, katulad ni Ogie Alcasid na papasok sa show at gagampanan ang karakter ng kambal.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Suspended indefinitely sa Hashtags at It's Showtime. Ito raw ang status ngayon sa Hashtags members na sina Bugoy Cariño (gitna) at Jon Lucas (kanan), ayon sa kasamahan nilang si Jameson Blake (kaliwa).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results