Inalmahan ni Angeline Quinto ang akusasyon sa kanya ng ilang Popsters—tawag sa fans ni Sarah Geronimo—na may video umano sila ni Morisette Amon na pinagtatawanan si Sarah dahil sa pag-iyak nito sa concert niya sa Las Vegas.
Tinawag pa raw nilang “pabebe” ang Popstar Princess.
Sunud-sunod ang tweets ni Angeline ngayong Huwebes, May 3, upang pabulaanan ang akusasyon laban sa kanila.
Base sa tweets ni Angeline, may taga-ASAP, ang Sunday musical-variety show ng ABS-CBN, ang nakakuha umano ng video nila ni Morisette habang pinagtatawanan si Sarah.
Ayon sa Kapamilya singer, mataas ang respeto niya kay Sarah at sa mga tagasuporta nito kaya hindi niya magagawa ang ibinibintang sa kanya.
Nakiusap din si Angeline na ilabas ang video at iharap ang staff member ng ASAP na nakakita umano sa kanila ni Morisette na pinagtatawanan si Sarah.
“Nakikiusap ako, ilabas niyo ang video,iharap niyo sa akin ang taong sinasabi niyo na staff ng abs-cbn nakikiusap ako sainyo Popsters. Ngayon lang ako makikiusap sainyo,” tweet ni Angeline.
Popsters,napaka laki ng respeto ko kay Sarah Geronimo,napakalaki ng respeto ko sa mga supporters niya, nakikiusap ako, ilabas niyo ang video,iharap niyo sa akin ang taong sinasabi niyo na staff ng abs-cbn nakikiusap ako sainyo Popsters. Ngayon lang ako makikiusap sainyo.
— Angeline Quinto (@AngelineQuinto) May 3, 2018
Paliwanag pa ni Angeline, imposibleng mangyari ang ibinibintang sa kanila ni Morisette dahil nalaman lang niya ang tungkol sa pag-iyak ni Sarah noong Lunes, April 30, isang araw pagkatapos ng ASAP episode kung saan daw nakunan ang video.
Unang una sa lahat popsters hindi ko pa alam ang issue na yan about Sarah Geronimo, nung nag Asap ako nung linggo, nalaman ko ang issue kay Sarah galing sa best friend ko,
— Angeline Quinto (@AngelineQuinto) May 3, 2018
April 30 (Monday) so paano narinig ng staff ng abs-cbn? E nalaman ko nga lunes pa.
Ipinagtanggol din ni Angeline si Morisette, na nadadamay sa maling bintang
POPSTERS, Please nakikiusap ako ngayon sainyo, ilabas niyo ang video at ipakita niyo o ipakilala man lang yung staff ng abs-cbn na nakarinig ng pag uusap namin ni Morisette. Pati si Morisette na walang kinalaman dito kung ano ano ang sinabi niyo. Wag naman ganun. Hindi tama yan.
— Angeline Quinto (@AngelineQuinto) May 3, 2018
Masakit man daw ang mga pinagsasasabi sa kanya, irerespeto pa rin daw ni Angeline ang Popsters.
Nasaan ang video at ang staff ng abs-cbn na nakarinig at naka kita sa amin ni Morisette na pinag tatawanan ang video ni Sarah Geronimo at sinabihan naming Pabebe si Sarah? POPSTERS NAKIKIUSAP AKO. IPAKITA NIYO SA AMIN NI MORISETTE.
— Angeline Quinto (@AngelineQuinto) May 3, 2018
Tinatanggap din daw ni Angeline ang masasakit na salita sa kanya ng Popsters, kagaya ng hindi nakapag-solo concert na soldout, tomboy, at hindi sikat.
Nirerespeto raw kasi niya ang fans ni Sarah.
“Tatanggapin ko lahat yan dahil nirerespeto ko ang iniidolo niyo. Sa ginagawa ko ngayon mas nahihiya ako kay Sarah.”
Sabihin niyo lahat POPSTERS, HINDI AKO NAKAPAG SOLO CONCERT NA SOLD OUT, TOMBOY AKO,HINDI AKO SIKAT, Tatanggapin ko lahat yan, Dahil nirerespeto ko kayo, Tatanggapin ko lahat yan dahil nirerespeto ko ang iniidolo niyo. Sa ginagawa ko ngayon mas nahihiya ako kay Sarah.
— Angeline Quinto (@AngelineQuinto) May 3, 2018
