Bea Alonzo breaks silence on Gerald Anderson; confirms she is "technically" single

by Bernie V. Franco
May 8, 2018
Bea Alonzo finally reveals that she and Gerald Anderson are not in a relationship at the moment.

Diretsang sinagot ni Bea Alonzo ang tanong kung sila pa ba ni Gerald Anderson.

Ito ay sa gitna ng usap-usapang tuluyan na nilang winakasan ang kanilang relasyon.

“Hindi sa ngayon,” maiksing sagot ng 30-anyos na aktres sa interview sa kanya ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe sa presscon ng pelikulang Kasal ngayong Martes, May 8.

May pahabol na tanong kung single ngayon ang aktres.

Tugon ni Bea, “Technically.

“But, of course, we’re talking. We’re okay.”

Nag-side comment ang co-star ni Bea na si Paulo Avelino, “Parang ang gulo. Joke lang!”

Sagot naman dito ni Bea, “Magulo talaga kaya huwag niyong intindihin. Bakit ba? Akin yun, e.”

March 21, 2018 nang maiulat ang pag-unfollow ni Bea kay Gerald sa Instagram.

Lumabas ang espekulasyong may pinagdadaanan ang relasyon ng dalawa, at may kinalaman dito si Pia Wurtzbach, ang leading lady ni Gerald sa pelikulang My Perfect You.

In-unfollow rin ni Bea si Pia.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Makalipas ang higit isang linggo, muling nag-follow si Bea kay Gerald sa Instagram.

Pagkalipas ng ilang araw, na-interview si Gerald at tinanong kung may pinagdadaanan ang relasyon nila ni Bea.

Sinabi ng aktor na nagkaroon sila ng “simple misunderstanding” ngunit naayos na nila ito.

“It was a simple misunderstanding.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Naayos po namin personally, and yun po yung importante, to move on from this," pahayag ng aktor.

Sina Bea at Gerald ay kabilang sa Pinoy celebrity couples na inaabangan sa showbiz kung kailan lalagay sa tahimik.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo finally reveals that she and Gerald Anderson are not in a relationship at the moment.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results