Naplantsa na ang gusot sa pagitan nina Juancho Trivino at Alden Richards.
Ayon kay Juancho, “Nagkausap na kami.
"Actually, the day after that issue, nagkita kami sa GMA and we talked.
“And everything is settled.”
Naging malaking isyu sa social media noong Marso ang pagdi-dirty finger diumano ni Juancho sa poster ni Alden sa isang tindahan ng relo.
Kaagad namang humingi ng dispensa si Juancho sa pamamagitan ng isang statement na inilabas niya sa social media tungkol sa “bad joke” niya.
Nagalit kasi ang maraming fans ni Alden dahil sa pambabastos daw ni Juancho sa kanilang idolo.
Personal na rin daw nag-sorry si Juancho kay Alden noong March 20, noong nagkausap sila sa loob ng GMA Network.
“Yeah, yeah [I apologized], sa social media din,” sambit niya.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho sa grand press conference ng Inday Will Always Love You ngayong Biyernes, May 11, sa GMA Network Center.
Isa sa mga bida ng teleserye si Juancho na magsisimula sa May 21.
