Interesante ang naging sagot ni Iñigo Pascual sa puna ng isang netizen na tila “hyper” at may “ADHD” siya.
Nagsimula ito nang mag-post ang netizen, na may handle name na @StunnerLily, ng komento tungkol sa kilos ni Iñigo sa “ASAP Chillout” segment ng ASAP noong Linggo, May 27.
Sabi ng netizen, “Bakit ang hyper mo sa ASAP Chillout di ka mapirmi sa isang lugar, lakad ka nang lakad habang naghu-host tapos bigla kang sisigaw! Bakit para kang bata ka kumilos? Kakaiba ka,ikaw lang ata yung artistang sobra yung pagka-hyper di na nakakatuwa ung nakakainis na.”
Sagot dito ng anak ni Piolo Pascual, “Mas okay na po hyper kesa madami po sinasabi… dami mo nyo po sinabi e.”
Mas okay na po hyper kesa madami po sinasabi.... dami nyo po sinabi eh...
— inigo ???? (@ImPascualInigo) May 27, 2018
???????? https://t.co/5AhM6DjZod
Hindi pa rito natatapos ang pamumuna ng netizen.
Sabi ni @StunnerLily kay Inigo, “may mga symptoms ng ADHD na meron ka, restlessness you can’t sit still you need to tap your fingers or feet, Impulsiveness you blurt out whatever comes in to your mind without thinking it first, your easily distracted, Disorganization your all over the place.”
Ang ADHD o attention deficit hyperactivity disorder, ayon sa nimh.nih.gov, “is a disorder that makes it difficult for a person to pay attention and control impulsive behaviors. He or she may also be restless and almost constantly active.”
Mahinahon pa ring sagot dito ng 20-year-old Kapamilya actor-singer, “Salamat po! Kung adhd man ako edi good! At least nageenjoy! Labyu! Hahahahahaha!”
salamat po! Kung adhd man ako edi good! At least nageenjoy! Labyu! HHahahahahahahhahahahahahhahahaha https://t.co/erXFOQlC7e
— inigo ???? (@ImPascualInigo) May 27, 2018
Consistent si @LilyStunner sa pamumuna kay Iñigo sa kanyang Twitter account.
Narito ang ilang pang halimbawa ng tweets ng nasabing netizen, na ang gamit na profile pic ay litrato ng Hollywood actress na si Lily Collins:
I watch chillout again di ako maka getover sa pagiging hyper ni Inigo Pascual sobrang annoying!!! Bakit di siya mapirmi sa isang lugar? Lakad siya ng lakad habang nag hohost yung iba?
— Lily stunner (@StunnerLily) May 27, 2018
Kawawa si maris sa ka loveteam niya mukhang mapapagod siya kakasaway sa kakulitan niya @ImPascualInigo mAawa ka sa ka loveteam mo para kang bata na kailangan sawayin sa kakulitan mo https://t.co/aApjAVni5A
— Lily stunner (@StunnerLily) May 27, 2018
Sigurado madalas pag magkasama sila napipikon na si Maris sa kakulitan ni Inigo sa kanya. Kaya pala walang tumatagal na babae sayo @ImPascualInigo lahat sumusuko sa pagiging hyper mo. Hindi gf ang hanap mo nanny dapat. https://t.co/fEVbKFUWVU
— Lily stunner (@StunnerLily) May 28, 2018
May mga lalake din na di na nga kagwapuhan pinapapanget pa ang itsura tapos immature pa magisip napaka insensitive pa sa mga nakakasama niya Isa ka na dun @ImPascualInigo pic.twitter.com/lo9Nk0uKiP
— Lily stunner (@StunnerLily) May 28, 2018
Ipinagtanggol naman si Iñigo ng ilan sa kanyang followers sa Twitter:
@_05mimi08: “ADHD agad? Di ba puwedeng HYPER dahil nasobrahan sa KaSWEETan, aq nga e…ang Hyper q pag nasa mood aq kahit wala sa mood hyper pa rin pero NORMAL naman aq.”
@leniiAguilar: “Hahahahaha pero sa totoo lang, yung sinasabi ni @StunnerLily true na ganong symptoms. Nasobrahan sa hyper at laging hindi mapakali. Meron akong 2 naging estudyante dati na may ganyan. PERO sa tingin ko hindi sa lahat ng pagkakataon ADHD na aga basta hyper hehehehe..”
@kristynne08: “Exactly, I have also friends son ganyan din. Yung hyper na sinasabi is consistent yun as in araw-araw ganun, Lol su @ImPascualInigo ngayon lang naman. I think sya ang nasobrahan sa pagpuna.”
@LeniiAguilar: “Totoo ate, hehehe yung mga ganong disorder consistent syang hyper at hindi mapakali maghapon lagi..at ang hirap ihandle ng mga may ganong case. Sa school dapat marami kang bagong isang sakong TIYAGA hahahaha. Pero si Inigo normal naman ah.”
