Isang 16-year-old netizen ang nag-rant sa Twitter tungkol sa hindi umano magandang karanasan nila ng kanyang mga kasama sa Hashtags member na si Nikko Natividad.
Kuwento ni @IvyDCBernardo, nakita nila umano sa isang mall sa Quezon City noong May 27, Linggo, ang Hashtags member kasama ang isang babae na hinihinala nilang girlfriend nito.
Gusto raw sana ng mga kasamahan ng netizen na magpa-picture kay Nikko, ngunit inilayo raw ito ng girlfriend at pinagsuot ng shades.
Dahil daw rito kaya nakapagsalita ang ina ng netizen ng hindi maganda tungkol sa ABS-CBN talent.
Patutsada pa ng netizen kay Nikko, "Gwapo mo sana eh, bastos ka lang. Wala ka bang mama?"
Actually diko sya kilala, sila ate ghel lang nag sabi eh pogi nya papa pic sana kame kaso yung gf nya eksena layo sila tas pinag shades si nikko naks taas ng araw!???? lumalayo sya so kami syempre nagulat nag salita si mama , ang yabang kasi ng datingan nya.
— $ ? ? ? ? ? ?????? (@IvyDCBernardo) May 27, 2018
Muli raw nakita ng kanilang grupo si Nikko sa loob ng isang clothes shop.
Susubukan daw sana nilang magpa-picture ulit, ngunit tila inilayo na naman daw si Nikko ng kasama nitong babae.
Tapos bumalik kami para hanapin yung tito ko, dun ulit daan namin kung nasan sya , nandun kami sa tapat ng penshoppe . Tapos sabi ni mama papic na daw kami kaming dalawa ni @justme_gel . Kaso parang nilalayo nanaman sya ng gf nya na ewan kala mo aagawin bf nya ????
— $ ? ? ? ? ? ?????? (@IvyDCBernardo) May 27, 2018
Kasunod daw na eksena ay hindi na talaga nila nagustuhan dahil minura diumano ni Nikko ang ina ng netizen.
"Tapos nagsalita si Mama. Malayo kami pero dinig si mama, sabi nya 'jusko pa shade shade pa di naman masyadong sikat hayaan na natin sya.'
"Kasi parang ayaw nya talaga, ang arte nung datingan nya.
"Tas pag lakad ni Mama sabi ni Nikko kay Mama, 'F*ck you ka.'
Tapos nag salita si mama malayo kami pero dinig si mama, sabi nya " jusko pa shade shade pa di naman masyadong sikat hayaan na natin sya" kasi parang ayaw nya talaga ang arte nung datingan nya tas pag lakad ni mama sabi ni nikko kay mama "fuckyou ka"
— $ ? ? ? ? ? ?????? (@IvyDCBernardo) May 27, 2018
Sabi pa ng netizen, mabuti na lamang daw at nasa loob ng isang boutique ang Hashtags member dahil kung hindi ay baka ano na ang nangyari rito.
Yan pa fuckyou fuckyou ka kala mo walang kasama si mama no? Pasalamat ka nasa loob ka ng penshoppe???? kundi durog kana, kalalaki mong tao patalikod ka nang gagago wala kang mukhang maiharap?
— $ ? ? ? ? ? ?????? (@IvyDCBernardo) May 27, 2018
Inaawat namin sila kuya kasi nung una akala namin hindi si mama yung pinakyu nya. Si mama din hindi nya alam na sya kasi nakatalikod na sya tas nag cecellphone pa. Sa trinoma lahat naganap. May mga lalaki rin kasi sa labas ng penshoppe kaya akala namin yun yung pinakyu nya
— $ ? ? ? ? ? ?????? (@IvyDCBernardo) May 27, 2018
"May accent" pa raw ang pagmumura ni Nikko.
Pero nakatingin sya kay mama tumingkayad pa nung nag fuckyou , naks yung fuckyou mo @Hashtag_nikko13 may accent pa???? duwag ka naman . Gwapo mo sana e , kaso wala ka atang mama. Pakitang tao ka masyado e
— $ ? ? ? ? ? ?????? (@IvyDCBernardo) May 27, 2018
Narito ang ilan pang tweets ni @IvyDCBernardo:
Tas numg tinanong ni kuya danrene kung sino yung sinugod ni kuya dan dahil narinig nya at nakita nya nga na kay mama nakatingin ayun sinugod nya, tinanong ni kuya danrene kung sino don at aba ang kapal nung pag turo sakanya sumenyas pa ng "oo" iba karin eno @Hashtag_nikko13
— $ ? ? ? ? ? ?????? (@IvyDCBernardo) May 27, 2018
Pero kami nila mama hindi namin alam na sya talaga. Mas nalaman namin na si mama nung nilapitan kami ng asawa ni nikko, asawa daw sya eh kaso wala naman kaming pake. Share nya lang ganon. Sabi nya misunderstand daw kasi nga nag paparinig si mama kay nikko kaya ayun pinakyu sya.
— $ ? ? ? ? ? ?????? (@IvyDCBernardo) May 27, 2018
Jusko @Hashtag_nikko13 dahilan ba yun? Ayaw mo marinig yung mga side ng ibang tao sa asta mo? Pinaalis ko nalang yung babae kasi walang kwenta yung paliwanag nya para ano? Para maging malinis sa tao pasalamat ka nikko mga guard at staff lang nakadinig.
— $ ? ? ? ? ? ?????? (@IvyDCBernardo) May 27, 2018
"Fuckyou ka" eto yung sinabi nya non, ang angas mo sana hayup ka di ka na nahiya sa anak mo nasa harap mo tas mumurahin mo ibang tao. Pasikat mo masyado sa mga staff at guard don.
— $ ? ? ? ? ? ?????? (@IvyDCBernardo) May 27, 2018
Pero @Hashtag_nikko13 di mo kinagwapo yung pag shashades mo. Dimo rin kina cool yang pa ma makyu mo.
— $ ? ? ? ? ? ?????? (@IvyDCBernardo) May 27, 2018
IS THIS NIKKO'S RESPONSE? Samantala, pagkalipas ng isang araw, noong May 28, isang tweet naman tungkol sa pagsusuot ng shades ang ibinahagi ni Nikko sa kanyang followers.
Saad niya, "Hindi shades ang basihan ng pagiging sikat. Kahet sinu kahet anu kahet saan pwede ka mag shades, basta trip mo."
Hindi shades ang basihan ng pagiging sikat. Kahet sinu kahet anu kahet saan pwede ka mag shades ??????????????basta trip mo
— Nikko Seagal (@Hashtag_nikko13) May 28, 2018
Ito kaya ang sagot ni Nikko sa netizen?
Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaari pang ihayag ni Nikko Natividad tungkol sa isyung ito.
