Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Ellen Adarna's father, Alan Modesto Adarna, passes away

by James Patrick Anarcon
Jun 3, 2018
Ellen Adarna's father, Allan Modesto Adarna, dies due to cardiac arrest.

Pumanaw na ang ama ni Ellen Adarna na si Alan Modesto Adarna.

Ito ay ayon sa isang Instagram post ng Cebu-based florist na may handle na @floraltouchbychaty kahapon, June 2.

Saad lang nito sa post: "Our Condolences and Prayers to the Adarna's Family. God grant you Eternal Peace Sir Alan Adarna."

Isang netizen naman ang nagtanong kung ama ni Ellen ang tinutukoy sa post.

Sagot ng florist, "yes"


Continue reading below ↓

Ayon naman sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source ngayong Linggo ng umaga, June 3, cardiac arrest umano ang ikinamatay ng ama ni Ellen, na nagselebra ng kanyang ika-58 kaarawan noong April 2.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kinumpirma naman ng isa pang source ng PEP.ph mula sa Cebu na nakaburol ang mga labi ng ama ni Ellen sa Cosmopolitan Memorial Chapels, Inc. sa Mandaue, Cebu.

Sa ngayon ay wala pang post o opisyal na pahayag si Ellen at ang kanyang pamilya tungkol sa pagkamatay ni Alan Adarna.

Kilala ang pamilya Adarna sa pagmamay-ari nilang chain of motels na Queensland, na mayroong branches sa Manila, Cebu, at Davao.

Noong November 28, 2017 ay naibalita ang naging pagkikita ng mga magulang ni Ellen at ng boyfriend ng aktres na si John Lloyd Cruz.


Continue reading below ↓

Ito ay ilang linggo matapos mailathala ng PEP.ph ang kumpirmadong pagbubuntis ni Ellen at si John Lloyd ang ama ng dinadala nito.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna's father, Allan Modesto Adarna, dies due to cardiac arrest.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results