Kasalukuyang nasa Europe ang magkasintahang sina Luis Manzano, 37, at Jessy Mendiola, 25.
Doon nila ipinagdiwang ang kanilang ikalawang anibersaryo bilang magkasintahan.
Una muna nilang pinuntahan ang Paris, France, at sunod naman nilang pinasyalan ang Italy.
Ngayong Lunes ng hapon, June 25, nag-post ng mensahe sa Instagram si Luis para kay Jessy.
Mensahe ng Kapamilya TV host-actor, "Happy 2nd anniversary to my Howhow @senorita_jessy ! :)
"Thank you for being the best travel partner, dive buddy (even if nanghahabol ka ng barracuda) and howhow in life :)
"I always thank God you went to my birthday party 2 years ago (kahit na ayaw mo naman talaga) I howhow you!! :)
"Oh, thank you for taking me to Europe :)"
Hinihintay na lamang ng kanilang mga tagahanga kung kailan lalagay sa tahimik ang dalawa na kapwa aprubado naman ng kani-kanilang pamilya.
