Xian Gaza found guilty in Anti-Bouncing Check Law case; gets five years in prison

by Arniel C. Serato
Jun 28, 2018
Malabon Metropolitan Trial Court finds social media personality Xian Gaza "guilty beyond reasonable doubt" on Anti-Bouncing Check Law case.

"Guilty beyond reasonable doubt."

Ito ang hatol ng Malabon Metropolitan Trial Court sa viral billboard suitor na si Xian Gaza.

Ito ay kaugnay ng kasong paglabag sa Batas Pambansa (BP) 22 o Anti-Bouncing Checks Law na isinampa laban sa kanya ng dati niyang business partners na sina Jaime Asuncion at Melinda Cruz.

Dahil sa hatol na guilty, makukulong si Xian ng hanggang limang taon at anim na buwan.

Pinagbabayad din siya ng PHP2,180,000 bukod pa sa "legal interests and costs."

Sa kanyang Facebook post ngayong hapon, June 28, mismong si Xian ang naglabas ng kopya ng desisyon na pinirmahan ni Judge Maya Joy Camposanto.

Dahil dito, "feeling hopeless" daw siya.

Kasunod nito ay nag-post siya ng bagong profile pic kalakip ang mensaheng ito:
"Karma is real. What you do now will come back to you in the future.
"Life has a funny way of making you deal with what you make others go through.
"Babalik at babalik din sayo lahat kaya magbago ka na habang hindi pa huli ang lahat kagaya ko."

Sa pamamagitan ng Facebook messaging, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kontrobersiyal na social media personality kung totoo ba ang post niya at hindi ito gawa-gawa lang niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maiksing sagot ni Xian, "Yes."

Sabi pa niya, may 15 araw siya upang maghain ng motion tungkol sa desisyon.

Nakilala si Xian ng publiko halos isang taon na ang nakararaan dahil sa kanyang pag-anyaya sa aktres na si Erich Gonzales sa isang coffee date sa pamamagitan ng isang billboard.

STORIES WE ARE TRACKING

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malabon Metropolitan Trial Court finds social media personality Xian Gaza "guilty beyond reasonable doubt" on Anti-Bouncing Check Law case.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results