Pauleen Luna slams basher belittling her and daughter's looks

by Rachelle Siazon
Jun 29, 2018
Pauleen Luna reacts to a basher making her feel as if she's there's something wrong if her daughter Talitha looks more like her than husband Vic Sotto. 

Inalmahan ni Pauleen Luna ang isang basher na pinapalabas na tila dapat niyang ikahiya kung mas kamukha niya ang anak na si Baby Talitha kaysa sa mister niyang si Vic Sotto.

Kaugnay ito ng Instagram post ni Pauleen kung saan ipinakita niya ang pagkakahawig ng mag-amang Vic at Baby Talitha base sa baby pictures ng mga ito.

Si Baby Talitha o may palayaw na Tali ay mag-iisang taong gulang sa November 6.

"Happy weekend from my twins! Baby Tali and Baby Vic! Tali, lamang lang si Papa ng konting sungit #TalithaMaria @mzet280"

Nag-react ang basher ni Pauleen na hindi umano nagmana sa hitsura ni Vic si Baby Talitha.

Hindi raw tulad sa mga nakatatandang anak ni Vic na sina Danica at Oyo Sotto na kamukha ng kanilang ama.

Hirit ng basher na may handle name na @iamkofelava, "@pauleenlunasotto Tali looks more like you claim it. Oyo and Danica looks more like Vic."

Continue reading below ↓

Hindi nagustuhan ni Pauleen ang patutsada ng basher.

Kontra ni Pauleen,"@iamkofelava Ha? She looks like the both of us, but in this photo they look so similar."

Pagtatanggol naman ng isa pang netizen na may handle name na @mister27 kay Pauleen, "@iamkofelava anu naman kung mas kamukha ni pauleen? Ay point, itong picture na to mas kamukha ni tali si bossing. Dami ng sinabi."

Continue reading below ↓

Sang-ayon ni Pauleen kay @mister27, "May 'claim it' pa eh. Parang kinakahiya at tinatago ko na kamukha ko si Tali? [Lauging with tears emoji] HAHAHA yun lang HAHAHA"


Patunay na walang kaso kay Pauleen kung sino man sa kanila ni Vic ang kamukha ng anak nila, nagbahagi rin siya ng Instagram post kalakip ang baby pictures nilang mag-ina.

Continue reading below ↓

Sabi ni Pauleen sa caption, "Or Mama Pau? Baby Pauleen and Baby Tali #TalithaMaria #pagbigyan"

Or Mama Pau? ???????????? Baby Pauleen and Baby Tali #TalithaMaria #pagbigyan

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pauleen Luna reacts to a basher making her feel as if she's there's something wrong if her daughter Talitha looks more like her than husband Vic Sotto. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results