Ikinalungkot ni Vina Morales ang broken engagement sa pagitan ng kaibigan niyang si Rina Navarro at fiancé nitong government official.
Si Rina ay isang film producer at member ng Cinema Evaluation Board.
Usap-usapan sa social media na ang fiancé ni Rina ay isang government official at ang ipinalit sa kanya nito ay isang aktres.
Sa kanyang Instagram post noong June 23, inihayag ni Rina na nakakalap siya ng sapat na ebidensiyang may ibang babae ang kanyang ex-fiancé.
Sinabi rin ni Rina na nagpasya siyang kalimutan na ang dating karelasyon sa kabila ng pagkakaroon nila ng anak at masayang pinagsamahan noon.
Dagdag ni Rina, “To all women out there please, wag kayo magtiis sa cheaters, may anak man kayo o wala.”
Kalakip ng Instagram post ni Rina ang isang blurred photo na pinaniniwalaang kuha niya kasama ang hindi pinangalanang babae na itinuring na kaibigan at diumano’y third party sa hiwalayan nila ng kanyang fiancé.
Ngunit hindi na pinangalanan ni Rina kung sino ang kanyang ex-fiancé at third party sa kanilang hiwalayan kamakailan.
READ: Rina Navarro moves on from breakup with government official fiancé
Samantala, isa si Vina sa celebrity-friends ni Rina na naghayag ng suporta rito.
Sabi ni Vina sa comments’ section ng Instagram post ni Rina: “[Broken heart emoji] I’m here for you, deadma naman si blurred friend Mare…”
Sa sumunod na pahayag ni Rina, ipinahiwatig niyang may nakalap siyang “video” na diumano’y ebidensiya sa panloloko sa kanya ng fiancé at babaeng ipinalit nito sa kanya.
Balik-sagot ni Rina kay Vina: “@vina_m,morales mars I love you salamat for standing by me thru all these.
"Eh syempre!!! Hindi siya aamin, No comment kasi sanay naman… and may video! Haha. So she will keep quiet :)”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina sa store opening ng Beautizone permanent makeup and pampering salon sa Upper McKinley Road sa Fort Bonifacio, Taguig City, kagabi, June 28.
Dito ay sinubukan ng PEP.ph na hingan si Vina ng karagdagang pahayag tungkol sa isyu.
Ngunit pag-iwas ng singer-actress, “Ay, ayoko. I don’t wanna say anything about it. I’m just here for her.”
Bilang kaibigan, ano ang ipinapayo niya kay Rina?
“No na… It’s their [personal problem]…
“Basta I’m here for her. She’s my kumare. I love her.”
