Sofia Andres offended by Diego Loyzaga's claim she has a boyfriend

by Melba R. Llanera
Jun 30, 2018
Sofia Andres dashes hopes of Sofiego fans for her and Diego Loyzaga to become an item.

Inamin ni Sofia Andres na sumama ang loob niya sa dating love team partner na si Diego Loyzaga nang ibunyag nitong may boyfriend diumano siya.

Nangyari ito noong kasagsagan ng isyu na nag-uugnay kay Diego sa isang non-showbiz girl dahil sa isang larawan sa Instagram.

Pahayag ni Sofia tungkol sa pagbubunyag ni Diego, ”Honestly, I don't want to say things, but Diego knows naman the truth.

“I mean, I don’t care about his personal life.

"I don't want to say something about his personal life on social media ‘cause that's his personal life.

“Medyo na-offend lang ako, but Diego knows what he did."

Nilinaw ng aktres na wala siyang boyfriend ngayon, pero totoong nakikipag-date siya.

Lahad niya, "Now I'm dating someone else, but I'm just dating lang naman.

"Kasi my parents are also strict, they want me to experience things like you're dating someone, ‘Okay, experience it but not to rush it.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Sofia sa launch ng RBeautified, ang libro ng celebrity make-up artist na si RB Chanco, na ginanap noong Martes, June 26, sa Manila House BGC.

STORIES WE ARE TRACKING

BAGANI ISSUE. Nilinaw ring muli ni Sofia ang matagal nang isyu na kaya siya natanggal sa ABS-CBN prime time series na Bagani ay dahil diumano sa attitude problem niya.

Tanggi niya, ”No, yung Bagani, from the very start I know that I was gonna die, in-explain na yun sa akin.

“I am happy because I was a part of it and it's a blessing to me.

“Yun ang nangyari, maybe there's so much projects waiting, ganun lang naman yun.”

Inulan din ang aktres ng kabi-kabilang pambabatikos mula sa ilang bloggers, bagay na ayaw nang problemahin ni Sofia.

“Ayoko namang mag-tweet about it, hayaan na, yun na yung nangyari, e.

“People will judge you every time, lagi namang ganun; sanayan lang, okey na ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Andres dashes hopes of Sofiego fans for her and Diego Loyzaga to become an item.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results