PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Halili fires back at basher for resurrecting past scandal

Katrina Halili on basher: 'Wag na natin pag-aksayahan ng oras yan. Walang kwentang kausap.'
by Arniel C. Serato
Published Jun 29, 2018
Matapang na sinagot ni Katrina Halili ang isang basher na nagpaalala ng madilim na pangyayari sa kanyang buhay noon.

Kahit naka-move on na ang lahat at unti-unti nang nakakalimutan ang madilim na yugtong ito ng kanyang nakaraan, may ilang pilit pa ring inuungkat ang masaklap na insidenteng ito sa buhay ng aktres na si Katrina Halili.

Sa throwback Instagram post ni Katrina kagabi, June 28, sinariwa ng Kapuso star ang kanyang pagiging calendar girl ng isang brand ng alak noong taong 2007.

Entry ko for #throwbackthursday #2007tanduaycal ???? tagal na, #tanduay

A post shared by katrina_halili (@katrina_halili) on

Ngunit sang basher ang nagkomento nang negatibo rito.

Ayon kay @summerificme, “Eto ba yung bago ang sex scandal mo?”

Hindi naman nagpatinag si Katrina sa nasabing basher.

Buwelta niya, “Walang bago. Yun pa din, watch mo…”

Dagdag pa ng The Stepdaughters star, “Wow ah… gumawa ng account para mambwisit, ikaw ang mabwisit sakin…”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami naman ang nagtanggol kay Katrina dahil sa komento ng nasabing basher.

Ngunit ayon sa aktres, hayaan na lang dahil hindi nararapat na pag-aksayahan ito ng oras.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2007, nasangkot si Katrina sa video scandal ng cosmetic surgeon na si Hayden Kho Jr.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapang na sinagot ni Katrina Halili ang isang basher na nagpaalala ng madilim na pangyayari sa kanyang buhay noon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results