Mainit na pinag-uusapan ngayon ang rambol na naganap sa pagitan ng koponan ng Pilipinas at ng Australia sa kalagitnaan ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifier sa Philippine Arena kagabi, July 2.
Kabilang ang popular player ng Gilas Pilipinas na si Terrence Romeo sa nakasali sa gulo at na-eject mula sa laro.
Nang maging trending ang balita, ilang netizens ang hindi naiwasang iugnay ang pangyayari sa It's Showtime host na si Vice Ganda, na naging lover diumano ng Gilas player.
Mapapansing marami ang nag-tag kay Vice sa mga balita tungkol sa pangyayari, habang ang iba naman ay tinatanong ang kanyang opinyon.
Sa kabila nito, walang anumang pahayag si Vice tungkol sa isyu.
Ngunit kapansin-pansing tila may kaugnayan ang kanyang natatanging post habang trending topic sa Twitter ang rambol kagabi.
Ang post lang ni Vice: “#KAPAYAPAAN.”
— jose marie viceral (@vicegandako) July 2, 2018
Sa thread na ito, samu't sari ang naging opinyon ng fans ng comedian-TV host tungkol sa pangyayari.
Ang iba naman ay idinaan sa biro ang pag-uugnay nila kina Vice at Terrence.
Narito ang ilan sa kanila:
What can you say about terrence? haha ginalingan niyang umilag sa flying kick pero hindi kapadin niya naipag lavan ????????
— Nika???? (@Nikavouge) July 3, 2018
Meme ano po masasabi nyo na napaglaban ni terrence ang pilipinas pero ikaw di nya napag laban :(
— jerick (@jrckkk) July 2, 2018
. .and the value of X is that you still care and you dont know Y.
— Sherry (@xixisheh) July 2, 2018
Mamsh, pinaglaban ni TR ang bayan. Naipaglaban kaba niya? Charot
— M (@NakedBanker69) July 2, 2018
Awts mamsh, sana ikaw din pinaglaban nya ????????
— CAMILLE???? (@FeytGoerge) July 3, 2018
Nakita mo ba yung crossover ni romeo kay thon maker? Parang ganun rin ginawa niya sayo ?????????
— al (@AaronLucas__) July 2, 2018
TERRENCE STANDS BY HIS ACTION. Samantala, nag-react naman si Terrence sa mga nagsasabing nakakahiya ang inasal niya at kanyang mga kasamahan sa Gilas Pilipinas.
Pahayag niya sa kanyang Twitter post kagabi rin, “Wala kaming paki alam sa inyo.
“Kami magkaka-teammate sa loob, kailangan namin magtulungan.
“Hindi namin puwede pabayaan yung isa't isa.
“Kung embarrassing kami sa mata niyo, ba't di kayo mag-convert ng Australian?”
Dagdag katuwiran pa ni Terrence, “Kahit anong sabihin niyo, naglalaro kami para sa isa't isa, para sa kapwa natin Pilipino, higit sa lahat para sa bayan.
“Hindi niyo alam ang sacrifice namin.
“Kung para sa inyo mali tulungan namin yung kakampi namin sinasaktan, problema niyo na yun basta kami walang iwanan tapos!!!”
Dun sa mga kapwa namin players na nag sasabing embarassing kami wala kaming paki alam sa inyo . Kami mag kaka teammate sa loob kailangan namin mag tulungan. Hindi namin pwede pabayaan yung isat isa. Kung embarassing kami sa mata niyo bat di kayo mag convert ng australian.
— Terrence Romeo (@tbvromeo) July 2, 2018
Kahit anong sabihin niyo nag lalaro kami para sa isat isa para sa kapwa natin pilipino higit sa lahat para sa bayan. Hindi niyo alam ang sacrifice namin Kung para sainyo mali tulungan namin yung kakampi namin sinasaktan problema niyo na yun basta kami walang iwanan tapos!!!
— Terrence Romeo (@tbvromeo) July 2, 2018