Nagpasalamat ang Gilas Pilipinas players na sina Terrence Romeo at Gabe Norwood kay Kris Aquino.
Ito ay dahil sa pagpapahayag ng suporta ng TV host-actress sa Gilas players sa gitna ng pinag-uusapang "basketbrawl" sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa 2019 FIBA World Cup qualifier na ginanap sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan, noong Lunes, July 2.
Bahagi ng mensahe ni Kris sa kanyang Instagram post noong Miyerkules, July 4:
“Hindi ba natin sila pwedeng damayan at suportahan ngayon na kailangan nilang maramdaman na ang mga Pinoy hindi nang-iiwan ng kapwa Pinoy?”
“THANK YOU, KRIS.” Sa comments section, nagkomento sina Terrence at Gabe upang pasalamatan si Kris.
Mensahe ni Terrence, “Thank you for your support mam!”
Sagot naman dito ni Kris, “you had the courage to apologize BUT you also stood up for your beliefs… kaya nga si Bimb ilang beses kong sinabihan na di kakayanin ngn puso ko ang team sport—kasi kung saktan sya o sipain—war freak mode na ko. Kaya sinabi ko, swimming or marathon running na lang. #nanay.”

Una nang nag-tweet si Terrence, na dating naugnay kay Vice Ganda, na pinaninindigan niya ang pagsali sa away upang ipagtanggol ang mga ka-teammate laban sa Australian team.
Sumagot din si Kris kay Gabe na nag-message din sa kanya.
Sabi ni Kris, “you deserved it. I stand w/ those who leave no man behind.”

