Hindi naging maganda ang dating ng hiling ni Jameson Blake na graphic artwork para sa cover photo ng kanyang social media accounts.
Sa pamamagitan ng Twitter post, nanawagan ang Hashtags member sa mga graphic artist na “willing” gumawa ng banner photo para sa kanyang social media accounts, na may username na Lucid Express.
Ayon sa kanyang post, pipiliin niya ang may pinakamagandang design.
Bilang kapalit, magbibigay raw siya ng “shout out” o pagbati sa kanyang napili sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.
Sa halip na makahanap ng magandang banner, batikos ang natanggap ni Jameson mula sa ilang netizens na nakakita ng kanyang post.
Karamihan sa mga pumuna ay nagsabing dapat bayaran ni Jameson ang graphic artist sa halip na shout out lamang.
Pero katuwiran ng Pinoy Big Brother alumnus, “I'm not asking that much. Just a basic graphic art for a profile.
"No one need to do it, only if you're willing to help me out I'd really appreciate it."
Sa sumunod na tweet, sinabi pa ni Jameson, “I'm not asking for a mind blowing graphic art.
"Something basic, and anyone willing to do me a favor without payment.
"No pressure, I'd appreciate it a lot!"



Nabura na ang mga tweet ni Jameson, ngunit hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang kanyang pakiusap sa social media.
Narito an ilang pang komento mula sa netizens:
To Jameson Blake, graphic artists needs to be paid. Your "shout out" cannot feed their families. Kakahiya tweet mo bro. You're not even famous. ??????????
— Karl Patrick Joaquin (@KarlJoaquin) July 5, 2018
invite ko kaya si jameson blake na magperform sa birthday ko tas shoutout ko nalang siya sa fb at ig
— Christian Vasquez (@IntenseCD) July 5, 2018
Pwede bang ipambayad ng wifi at cable namin kapag nag shout out si jameson blake hahahahaha??
— Joy ???? (@joytordilla) July 5, 2018
Jameson Blake is like yung crush mo na nagpapagawa sayo ng assignment... thank u thank u lang ganern hahhaha
— ton (@_tongmz) July 5, 2018
Hello, Jameson Blake. I like you. A lot.
— D.Z. Lasafin (@dzlasafin) July 5, 2018
But a "shoutout" in exchange for time, effort, and creative skill and talent?
BITCH DUDE NO.
May ilan ding sarkastikong nagbigay ng kanilang graphic artwork para sa hiling ni Jameson:
Hi @Hashtag_Jameson Jameson Blake, actually graphic artist ako.. Ito na o, asan shoutout ko? sabi mo simple lang naman a pic.twitter.com/Mgwzcaygiv
— m e l s •asd ????• ???????????????????????????? (@moonchildkoya) July 5, 2018
Uy Jameson Blake, consider mo naman tong gawa ko worth to ng shoutout mo e
— LorhenzVEVO (@wonderlor) July 5, 2018
PS: Lucida yung font dahil nga sa lucid lol pic.twitter.com/FFz57Lqejy
Saan makakarating shoutout mo, Jameson Blake? #ValueFilipinoArtists, hindi ito biro. pic.twitter.com/o1YZK9GLtn
— Meownea Francisco (@MENEAstruation) July 5, 2018
Sa kabila nito, tila ipinagkibit-balikat lamang ni Jameson ang mga negatibong reaksiyon sa kanyang request.
Sabi niya sa kanyang Twitter post, “Hope everyone has a great day ahead! Don’t let negativity ruin your day.”
Hope everyone has a great day ahead! Don’t let negativity ruin your day ????????????
— Jameson Blake (@Hashtag_Jameson) July 5, 2018
Nakapili na rin siya ng libreng graphic artwork para sa cover photo ng kanyang social media accounts.
Narito ang shout out niya sa gumawa ng napili niya:
I like this one! Thank you @ksteffi_ I appreciate the artwork ???????????? pic.twitter.com/GX1UWPL7cG
— Jameson Blake (@Hashtag_Jameson) July 4, 2018