Maituturing na ngayong malapit na magkaibigan si Kris Aquino at ang abugadong si Gideon Peña
Noong Sabado, July 7, nag-post si Kris sa kanyang Instagram ng mensahe upang pasalamatan ang lawyer-professor dahil sa pagpapakita nito ng “genuine concern, friendship, respect, and trust.”
Pagkatapos ng ilang oras, si Atty. Gideon naman ang nag-post sa kanyang Instagram tungkol sa pagiging totoong kaibigan.
Kalakip nito ang larawan nina Harry Potter at Hermione Granger mula sa Harry Potter movie series.
Sabi ng abugado, “True #friends don’t leave even in the darkest of times.”
Naka-tag dito si Kris.
Kinilig ang ilang netizens sa kanyang post at umaasang mag-level up ang kanilang pagkakaibigan ni Kris.




Kasalukuyang nasa Bangkok, Thailand si Kris para sa isang endorsement shoot.
