Parang plot twist sa pelikula ang biglaang pagpapalit ng House Speaker ilang sandali bago magsimula ang pangatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayon Lunes, July 23.
Pinalitan na ni Pampanga Second District Representative Gloria Macapagal-Arroyo si Davao del Norte First District Representative Pantaleon Alvarez bilang House Speaker ng Mababang Kapulungan.
Umani ng iba't ibang reaksiyon ang panandaliang kaguluhang ito sa Kongreso.
Maging ang ilang personalidad sa showbiz ay nagpahayag ng komento sa kani-kanilang social media account.
Katulad ng karamihan, hindi inaasahan ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez ang pangyayari.
Aniya, “CGMA in the House Speaker's seat for the SONA after everything that has happened.. did not see that coming.”
Ginamit din niya ang hashtag na #SHOOKT sa kanyang sumunod na tweet.
CGMA in the House Speaker's seat for the SONA after everything that has happened.. did not see that coming.
— Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca) July 23, 2018
— Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca) July 23, 2018
Samantala, pabirong hirit naman ng aktres na si Alessandra de Rossi sa pangyayari: “Taray! May plot twist ang sona. Yung love life natin wala! uwian na!”
Taray! May plot twist ang sona. Yung love life natin wala! ????? uwian na!
— alessandra de rossi (@msderossi) July 23, 2018
Dismayado naman ang singer-actress na si Agot Isidro sa biglaang pagbabago ng liderato sa Kongreso.
Tweet ni Agot: "Aaand she's back. With a vengeance. Just like that, folks. Aminin ninyo, marupok tayo."
Aaand she's back.
— Agot Isidro (@agot_isidro) July 23, 2018
With a vengeance.
Just like that, folks.
Aminin ninyo, marupok tayo. ???? https://t.co/taDT6BjA3T
Halos ganito rin ang naging mensahe ng Twitter post ng radio personality na Gino Quillamor.
Sabi niya sa kanyang tweet: “Is there a Guinness book of world records award for the most “forgiving” country? Coz if there is, wuhooooo. #PinoyPride”
Country’s memory is worse than 10 second Tom. ????
— Gino Quillamor (@ginoboi) July 23, 2018
Is there a Guinness book of world records award for the most “forgiving” country? Coz if there is, wuhooooo. #PinoyPride ????????
— Gino Quillamor (@ginoboi) July 23, 2018
Halos apat na taong sumailalim sa hospital arrest si dating Pangulong Macapagal-Arroyo dahil sa kasong plunder.
July 2016, sa pagpasok ng administrasyong Duterte, nagpasya ang Supreme Court na i-dismiss ang kasong plunder laban sa dating Pangulo kasabay ng pag-uutos ng paglaya nito.
Isang meme naman ang ibinahagi ng TV personality na si Jun Sabayton, na nagpapakita ng larawan ni Arroyo na tila sumisigaw at nilagyan ng thought bubble na “Hello! G!!”
Mapapansing isa itong patama sa eskandalong kinasangkutan ni Arroyo noong 2004 national elections.
Sa kasagsagan ng isyung pandaraya umano ng kampo ni Arroyo, na tumatakbo noon sa pagkapangulo, lumabas ang isang voice recording kung saan maririnig ang isang babae na nagsasabi ng, “Hello? Hello? Hello Garci? So, will I still lead by more than 1M (million)?”
Ang kausap umano ng tao sa recording ay ang dating election official na si Virgilio Garcillano.
Kinalaunan ay inamin ni Arroyo na siya ang nasa likod ng voice recording. Humarap siya sa publiko at sinabing, “I am sorry.”
???? pic.twitter.com/gj9I6fdBWb
— El Endio Barbaro (@junsabayton) July 23, 2018