Nagsalita na si Khalil Ramos tungkol sa paratang na siya ang dahilan ng paghihiwalay ng tambalan nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid, ang GabRu.
Nagkaroon ng pagkakataong matanong si Khalil tungkol dito nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at entertainment bloggers sa press launch ng bagong digital video-making contest na “Lights Camera Magic” ng Star Magic, nitong Miyerkules, July 25.
Ayon sa 22-year-old Kapamilya actor-singer, “Pagkasira ng love team? I don't think I'm any part of that.”
Ipinaliwanag din ni Khalil na ang anumang koneksiyon niya sa 19-year-old Kapuso actress ay labas sa ginagawa nila sa showbiz.
Aniya, “I was never part of, you know, the business, that's what I mean. Outside kami sa showbiz.
“Hindi naman kami yung, like, all out na, 'Hello, this is me and Gab.'
“I mean, we're good friends, we go out, pero we're just really chill.
“Regarding that issue, I have nothing against the love team.
“It never became part of my life, kumbaga. I understand we're working.”
Sa huli, muling tinanong si Khalil kung ano ang estado ng relasyon nila ni Gabbi.
Sagot niya, “We're close friends. We go out. Yun lang yun.”
Noong Mayo ay naglabas ng opisyal na pahayag ni Gabbi tungkol sa pagtatapos ng apat na taong teamup nila ni Ruru.
Dito, ipinakiusap ni Gabbi sa fans, “Look at the brighter side that we get to grow not only as artists, but as individuals in our personal lives as well!!”