Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Paolo Contis to LJ Reyes's son Aki: "Haharang ako ng bala para sa 'yo."

by Arniel C. Serato
Jul 27, 2018
Sa ika-8 kaarawan ng anak ni LJ Reyes na si Aki, isang nakaka-touch na mensahe ang ipinarating ng boyfriend ngayon ng aktres na si Paolo Contis.

Noong nakaraang Martes, July 24, ay ipinagdiwang ng anak ni LJ Reyes kay Paulo Avelino na si Ethan Akio Reyes o Aki ang kanyang ikawalong kaarawan.

Sa Instagram, binati ni LJ at ng kasalukuyan nitong boyfriend na si Paolo Contis ang bata.

Ayon sa Kapuso actress, nag-iba ang takbo ng kanyang buhay noong isilang niya si Aki.

Mensahe ni LJ, “More than 8 years ago, I never thought I needed you! But God gave me you!

"And my life changed entirely and for the better!!! I think I became a better person because of you. I thank God everyday for you!

"And I thank you baby for being you, the silly crazy you, for being the kulit ball of energy that you are, and for being the sweetest of all sugar!

"I know it’s your 8th today, but I will always see you and treat you as my baby!

"I am very proud of you baby!

Continue reading below ↓

"I hope you know that! I will always shout to the world, mahal na mahal na mahal kita!!!!

"Happy birthday my Aki!"

Samantala, si Paolo ay parang totoong anak na ang turing kay Aki.

Ayon sa kanyang Instagram post, “Happy Birthday sayo Kalbo! Malunod ka sana lagi sa aking pagmamahal..

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Lagi akong nandito para sayo alam mo yan! Haharang ako ng bala para sayo... pero wag lang sana ipis!

"Ikaw na bahala sakin dun ha!”

Kapansin-pansin ding naka-tattoo sa dibdib ni Paolo ang pangalan ni Aki.

NO MESSAGE FROM PAULO

Samantala, sa Instagram at Twitter accounts ni Paulo ay wala pa itong mensahe para sa kaarawan ng anak.

Noong nakaraang taon, hindi rin nakaratingang aktor sa 7th birthday party ni Aki.

Sa mga nakaraang panayam nito, ayaw pag-usapan o kaya ay iniiwasan ni Paulo ang sumagot tungkol sa anak.

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Paulo tungkol dito.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa ika-8 kaarawan ng anak ni LJ Reyes na si Aki, isang nakaka-touch na mensahe ang ipinarating ng boyfriend ngayon ng aktres na si Paolo Contis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results