Hindi na napigilan ng Megastar na si Sharon Cuneta na buweltahan ang kanyang mga bashers at haters.
Nagsimula ito sa mga posts niya ng mga larawan nila ng dating ka-loveteam at nakarelasyon, at ng mga mamahaling bagay o gamit na hindi ma-afford ng mga taong hindi katulad niya na may kaya sa buhay.
Sa isang post niya tungkol sa dream house niya kahapon, July 27, pinangunahan na ni Sharon ang mga ito.
Sabi niya tungkol sa mga haters na maaring mang-bash sa kanya sa kanyang post, “Nakikinikinita na namin ang bashers eh! Eto lang: 'WALA NA SIYANG PERA!' Or: 'ANG YABANG NIYA!'
“This is what I think: Envy can kill. Please envy me! Hatred releases deadly toxins in the body. PLEASE HATE ME, haters!
“Ay, ako nga pala ang NANDITO, sa literal, actual at figurative na places, kasama ang mga SHARONIANS! Kayo nga pala ang mga NANDIYAN.
“Di ko kayo binabash kasi...Hu u?! Me, I...ME! And I feel so sad for you guys cos hating’s all you know how to do.
"While I’m UP here, happy and BUSY and by God’s grace, successful AGAIN!
“I am so sorry to disappoint you. Ganito na lang: Pag may natulungan kayong ilang tao lang sa kahit maliit na bagay, BASH NYO AKO ha!
"Pero pag wala, eh wala kayong 'K.' Work muna kaya kayo para makatulong din.
"God bless you! Cos He is fantastic and has kept on blessing me and my family, friends, fans so much!"
Ngayong Sabado, July 28, diniretso na ni Sharon ang kanyang mga bashers sa kanyang bagong post sa Instagram.
May kasama itong quote card na ni-repost niya mula kay Jinkee Pacquiao.
Nakasulat dito, “Anyone can find the dirt in someone. Be the one that finds the gold.”
Sabi niya sa caption, “Haters, pag lahat kayo nag-throwback okay lang, pero pag ako 'Living in the past?'
"Mga luko-luko pala kayo lahat tayo may past, di ibig sabihin magka-amnesia na tayo dapat lahat!
"At ang mag-reminisce ay iba sa di makamove on kaya nga naimbento ang word na yun. Maryosep.
"Fans kasi ng iba. Ayaw maparis ang lalaki sa iba tulad ko! Simple! Poor you!
"AND HERE’s NEWS FOR YOU! If and when, for example, I write my autobiography, do these haters REALLY think I will care one iota about what they think or say?!!!
"I and my fans will be happy and have a ball! Hulugan ko kayo ng photo album at scrapbook kaya diyan nang masyado kayo maaffect sa inis at inggiiiiiit!
"Envy kills. Hate kills. Para nyo nang awa, envy and hate me kasi di naman papayag si Lord na ako maghatid sa inyo sa pupuntahan niyong mainit! You think you’re so perfect kaya nga I dunno bakit di pa kayo kunin.
"Hahahahahahahahahaha! Judgemental kayo wala naman kayong alam sa buhay ko. Bitin pa nga yan.
"Prepare yourselves kasi baka atakihin kayo sa pagkanega niyong mga walang buhay. Sige hala... ako sa maganda at malamig pupunta..!!!!"
