All's well that ends well sa pagitan ng rumored sweethearts na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.
Ito ay kung pagbabasehan ang Instagram post ni Ronnie kagabi, July 30, kung saan ibinahagi niya ang sweet photo nila ni Loisa.
Caption dito ng Hashtags member: “Simula ngaun hanggang future.”
Nauna nang nag-post si Loisa tungkol sa kanyang “love” na si Ronnie noong Linggo, July 28.
Ipinaramdam niya kay Ronnie na "Love will never do, without you."
Noon ding Linggo ng gabi, nag-post ang isang netizen sa Facebook ng video ng pagyayakapan at panakaw na paghalik ni Ronnie kay si Loisa habang nasa public place sa Mall of Asia (MOA) Arena.
Hudyat daw itong nagkabalikan na ang dalawa matapos ang kanilang misunderstanding kamakailan.
