Back in each other’s arms na nga ang rumored couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.
Ito ay matapos mapabalitang nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan.
Sa pamamagitan ng social media, ipinahayag nina Loisa at Ronnie kung gaano sila kaimportante sa isa't isa.
Kagabi, July 31, nag-post si Ronnie sa kanyang Twitter account ng photo message na may nakasulat na: “Love always wins.”
— Ronnie 2 Alonte (@iamr2alonte) July 31, 2018
Ni-repost naman ito ni Loisa ngayong araw ng Miyerkules, August 1.
Sabi ni Loisa sa kanyang mensahe: “Yes!!!!!!!! 100%.”
YES!!!!!!!! ???????????? https://t.co/DM0EHNFIm9
— Loisa (@iamAndalioLoisa) August 1, 2018
Noong nakaraang linggo ay inamin ni Ronnie na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.
Ngunit ilang araw lang ang nakalipas, namataan ang dalawa sa isang public place kung saan nakuhaan sila ng video na nagyayakapan at paminsan-minsan ay naghahalikan.
Ikinatuwa naman ito ng kanilang fans.
Umaasa ang mga tagahanga ng dalawa na tuluy-tuloy na ang kanilang pagkakaayos.
