Winwyn Marquez says Catriona Gray is perfect for Miss Universe

by Bernie V. Franco
Aug 13, 2018
Reina Hispanoamericano 2017 Teresita Ssen "Winwyn" Marquez (right) on Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray (left): "Strength niya, ang galing niyang dalhin ang sarili niya. She’s very smart. She knows what she’s doing. She has a great personality and sana makita ng judges yun."

Kumpiyansa si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez na masusungkit ni Catriona Gray ang korona sa Miss Universe 2018 pageant.

Nakatakdang ganapin ang prestigious international beauty pageant sa sa Bangkok, Thailand sa December 16.

“Ako, positive ako, e. Philippines, tayo, e.

"So, sana siya yung manalo. Basta ako, I want her to win.

"She’s representing the Philippines," paliwanag ni Winwyn, ang kauna-unahang Pilipinang kinoronahan bilang Reina Hispanoamericana.

Papuri pa ni Winwyn kay Catriona, “Strength niya, ang galing niyang dalhin ang sarili niya.

"She’s very smart. She knows what she’s doing.

"She has a great personality and sana makita ng judges yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment press ang 26-anyos na beauty queen-actress sa press conference Unli Life, ang kanyang pelikula kasama si Vhong Navarro.

Kamakailan ay sinagot ni Catriona ang isang basher na pinuna ang kanyang body figure.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Tanong ng PEP.ph kay Winwyn: palagay ba niya ay sexy si Catriona?

“Of course!” sagot niya.

“Her personality is sexy. She’s tall, she has a nice body, for me.”

Saad pa ni Winwyn, “Siguro ang taas lang kasi ng ine-expect ng ibang tao, pero huwag naman silang mag-judge.

“Kasi iba't iba naman ang shape kung ano ang maganda sa babae. Wala naman iyan sa katawan, e.

“Kung paano mo dalhin ang sarili mo, yun yung magsa-shine, and I think Catriona is doing that.

“Ang hirap kasi sa ibang tao, masyado silang perfect sa utak nila. Masyado silang judgmental.

“For me, Catriona is perfect.

"I mean, she is a perfect representative for Miss Universe.

"She is really honest sa sarili niya.

"She’s proud of who she is, kung ano ang hitsura niya.

“For me, that’s sexy.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Reina Hispanoamericano 2017 Teresita Ssen "Winwyn" Marquez (right) on Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray (left): "Strength niya, ang galing niyang dalhin ang sarili niya. She’s very smart. She knows what she’s doing. She has a great personality and sana makita ng judges yun."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results