Napanalunan ng binansagang Rakistang Kusinero of Benguet na si JR Royol ang kauna-unahang Pinoy Master Chef title sa ginanap na Live Cook-off last Saturday, February 9, sa Sky Dome, SM North Edsa.
Naging espesyal na katuwang ng host na si Judy Ann Santos-Agoncillo at ng resident chefs na sina Chef Ferns, Chef Lau, and Chef Jayps ang Queen of All Media na si Kris Aquino at Kapamilya actor na si Richard Gomez sa pagtikim ng mga inihandang putahe ng tatlong finalists.











