PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jayson Gainza's character is in love with Regine Velasquez in indie film Mrs. Recto

Jayson misses traveling with the "Trip na Trip" gang.
by Paul Mata
Published Nov 1, 2010
A year after his house was devastated by Typhoon Ondoy, Jayson Gainza is thankful that he has survived a big trial in his life. "Okay lang kasi gamit lang naman ang nawala. Wala naman nasaktan sa amin. Nagpapasalamat pa rin. Sana huwag na maulit. Hindi lang yung pamilya ko yung inaalala namin, paano yung ibang pamilya. Nagpapasalamat din ako sa mga tumulong na tao. At sa mga kaibigan ko na nagdasal para sa kaligtasan namin noon," he said.

Ikalawang araw na ni Jayson Gainza na mag-shooting para sa indie film na Mrs Recto, which features Regine Velasquez as the title character. Ang pelikula ay idinidirek ni Dante Nico Garcia na siya ring nag-direk ng Ploning noong 2008.

May walong shooting days ng ginagawa ang cast and crew ngunit lately lang daw kinailangan si Jayson para sa kanyang mga eksena.

"Okay naman. Masasabi namin na nakisama ang panahon," sabi ni Jayson last Friday, October 29, habang naghihintay na maayos ang kanilang set na matatapuan sa kanto ng Quezon Boulevard corner Recto Avenue overpass.

"Maganda naman ang takbo. Kalmante naman ako kay Regine."

Ginagampanan ni Jayson ang papel na Andy, ang kaibigan ng character ni Regine na nagngangalang Clara.

"Kanang kamay niya ako dito. Hindi niya alam na, akala niya biru-biruan lang, na pinariringgan ko siya. Mahal na mahal ko si Clara," paglalarawan niya sa character niya.

Dagdag pa niya, "Meron mga tao na kumbaga ganito lang ang kaya niyang ibigay, pero sa akin, ibibigay ko ang lahat para magustuhan niya lang ako. Pero kay Clara naman, hanggang dito lang. Pero abangan niyo na lang yung mangyayari. Kapag kwinento ko na, libre na iyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikalawang movie project na ito ni Jayson para sa taong 2010. Ang Star Cinema film na Cinco ang latest movie na nagawa niya.

"This is my first time actually," sagot ni Jayson ng tanungin siya tungkol pang-ilang indie film niya na ito. "Dati pa dapat ako meron. Pero hindi natuloy dahil sa schedule. Yung istorya maganda sana. Pero ngayon lang din nagkataon nabigyan din na makasama dito.

"Masayang-masaya naman dito. Maganda para ma-experience ko naman ang indie. Nanonood ako sa Cinema One ng mga indie films. Maganda na malaya ka sa ini-express mo dito. 'Di katulad sa TV or commercial movie.

Aniya, "Ibang-iba din ang role ko dito. Iba sa mga ginawa ko dati na sana magawan ko ng justice yung role.

"Sana magkaroon pa kami ng pagkakataon na magkasama-sama ulit. Gusto ko, sa susunod na sila pa din yung makasama ko sa gagawin ko na indie," pahayag ng comedian-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BUSY WITH TV. Bukod sa pelikula, busy naman ang Batangueño sa television show niya na Banana Split. Nakilala siya lalo sa kanyang pag-spoof sa kilalang tv host na si Boy Abunda sa segment na "NNNN Ntertainment News Na Naman!" Katatapos lang din ng Agua Bendita last September, just in time bago siya tumuloy sa indie film na ito.

Nagpapasalamat naman si Jayson na hindi siya nawawalan ng projects.

"Kasi kapag nawalan, mawawalan din ako ng pagkakakitaan. Kailangan talaga kasi apat ang anak ko. Kung ano ang ibigay sa akin, kailangan ko sunggaban ng sunggaban," sabi ng former Pinoy Big Brother Season 1 housemate.

"Actually, kagagaling ko lang sa Boracay for Banana Split. Masaya naman at masaya din yung mga kasama mo. Para sa anniversary special namin. Second year na namin ito sa show. Magkakasama kami ni Zanjoe Marudo at John Prats."

Matagal nang magkasama sina Jayson, Zanjoe at John at binubuo nila ang isang kakaibang comedy trio. Nagsimula ang samahan na ito back in 2006 para sa ABS-CBN sitcom na Aalog-Alog at nagtuloy sa isa pang sitcom na Parekoy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nakita na kasi nila na nag-je-jell kami. Kapag gusto ng isa, gusto din ng dalawa. Yung nga, may sinasabi--may cute, may pogi, may gwapo. Ako yung cute," pabiro niyang sabi.

Sabi ni Jayson, ang maganda sa trio nila ay iba-iba sila.

"Sa amin kasi, si Zanjoe kasi pilyo. Gwapito si John Prats. Cutie cutie na parang heartthrob. Ako naman dito, pambasag. Kung ano yung ibigay nila, sinasalo ko lang. Parang receiver lang ako dito," paglalahad niya.

JAYSON MISSES TRAVELING. Isa naman sa na-mi-miss ni Jayson ay ang mga dating kasamahan niya sa travel show na Trip na Trip. Kasama niya sa show sila Kian Kazemi, Uma Khouny at Katherine De Castro.

"Ilang buwan din ako nawala kasi busy ako with Agua Bendita at taping sa Banana Split. Sa November siguro, makakasama na din ako.

"Na-mi-miss ko na sila Kian. Saka yung mga lugar na napupuntahan namin. Libre na nga. Masaya ka pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Jayson Gainza, indie
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A year after his house was devastated by Typhoon Ondoy, Jayson Gainza is thankful that he has survived a big trial in his life. "Okay lang kasi gamit lang naman ang nawala. Wala naman nasaktan sa amin. Nagpapasalamat pa rin. Sana huwag na maulit. Hindi lang yung pamilya ko yung inaalala namin, paano yung ibang pamilya. Nagpapasalamat din ako sa mga tumulong na tao. At sa mga kaibigan ko na nagdasal para sa kaligtasan namin noon," he said.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results