Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Sharon Cuneta in center of word war between Kathryn Bernardo, JoshLia fans

by Bernie V. Franco
Aug 15, 2018
Sharon Cuneta's remark about loving JoshLia more than Kathryn Bernardo triggers accusatory comments from Kathryn's fans

Nagkaroon ng sagutan ang ilang fans dahil sa komento ng Megastar na si Sharon Cuneta tungkol kay Kathryn Bernardo at sa tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto o JoshLia.

Kamakalawa ay iprinomote ni Sharon sa kanyang Instagram account ang Ngayon at Kailanman, ang upcoming prime time teleserye nina Joshua at Julia.

Vocal si Sharon sa kanyang pagmamahal sa JoshLia, na nakasama niya sa pelikulang Unexpectedly Yours noong 2017.

Sa comments section ng kanyang post, nagkomento si Sharon na alam niyang mamahalin niya si Kathryn Bernardo, na makakatrabaho niya sa upcoming reunion movie nila ni Richard Gomez, ang Three Words To Forever.

Pero binanggit din ng Megastar na mananatiling walang kapalit sa kanyang puso ang JoshLia.

Sabi ni Sharon: “Hahahaha! I know I will love Kathryn too because my bosses have told me how kind and sweet she is. But my Josh and Julia are irreplaceable! @juliabarretto @garciajoshuae”


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ito ang nag-udyok sa ilang fans ng KathNiel na mag-react.

May ilang fans na hindi nagustuhan ang anila ay pagkukumpara ni Sharon kay Kathryn at sa JoshLia.

Nagkasagutan ang ilang fans ni Kathryn at fans ni Sharon.

Tila burado na ang ilang komento, pero base sa mga sagutan, may netizen pang tumawag na “plastic” kay Sharon dahil sa kanyang comment.


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

Narito ang ilan sa mga komento ng fans ni Sharon:



Continue reading below ↓

Pero may ilang fans naman ni Kathryn ang nakiusap na bigyan nila ng chance na magkakilala ang kanilang idolo at si Sharon.

Alam daw nilang mapapalapit din sa Megastar si Kathryn.


Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta's remark about loving JoshLia more than Kathryn Bernardo triggers accusatory comments from Kathryn's fans
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results