Jon Lucas reveals he is married to It's Showtime dancer Shy Feras

by Rachelle Siazon
Aug 15, 2018
Hashtags member Jon Lucas reveals that he married It's Showtime dancer Shy Ferras on October 25, 2017. 

Ibinunyag ng Hashtags member na si Jon Lucas na ikinasal sila ng girlfriend niyang si Shy Feras noon pang October 25, 2017.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN lifestyle magazine show na Rated K noong Linggo, August 12, unang isinapubliko ni Jon ang katauhan ni Shy at ang eight-month-old baby nilang si Brycen Christian.

Si Shy ay isa sa female dancers ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, kung saan regular ding napapanood ang grupong Hashtags na kinabibilangan ni Jon.

Pahayag ni Jon, “Sobrang sarap sa pakiramdam. Parang nabunutan ka ng tinik kasi nagpakatotoo na lang…

“Si baby din dumating sa akin. Gusto ko mag-focus ng pagbigay ng oras sa pamilya.”

First quarter ng 2018 lumabas ang bali-balitang isa si Jon sa dalawang Hashtags member na diumano’y nakabuntis.

Sinasabing ito ang dahilan kung bakit ilang buwan nang hindi napapanood si Jon sa It’s Showtime.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 2018, kinumpirma ng Hashtags member na si Jameson Blake na isa si Jon sa pinatawan ng “indefinite suspension” ng It’s Showtime.

Continue reading below ↓

Ngunit hindi idinetalye ni Jameson kung ano ang dahilan ng pagsuspinde kay Jon.

STORIES WE ARE TRACKING

ON PERSONAL STRUGGLES IN 2017

Sa pagpapatuloy ng panayam ng Rated K, sinabi ni Jon na dumaan siya sa matinding pagsubok nang pumanaw ang kanyang ina noong September 2017.

At pagkalipas ng isang buwan ay ikinasal naman sila ni Shy.

Paliwanag ni Jon tungkol sa panandalian niyang pagkawala sa It’s Showtime:

“Hindi naman talaga totally sinuspinde. Pinagbigyan lang nila ako na, ‘Sige, pahinga ka muna. Pag okey na, pag maayos na, saka ka na lang bumalik.’”

At ngayon, itinuturing niyang malaking blessing ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

“Kasi nga mabigat, kasi nawalan ako ng nanay 'tapos nawalan ako ng hanapbuhay.

“Pero pinakaalam ko na blessing talaga yung pagdating ng [anak ko].

"Yung lungkot na naramdaman ko, mapapalitan pala ng saya.”

G R A T E F U L!! SALAMAT PO! ?????????????

A post shared by Jon Lucas (@lucas_aljhon) on

Noong July 20, 2018, nakapanayam si Jon ng PEP.ph at ibang entertainment reporters sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikula, ang Dito Lang Ako.

Continue reading below ↓

Dito unang kinumpirma ni Jon na kasal na siya sa isang hindi pinangalanang personalidad at mayroon na silang walong-buwang supling.

STORIES WE ARE TRACKING

HAPPY AND IN LOVE

Samantala, unti-unti nang nagiging bukas si Jon at ang kanyang misis na si Shy tungkol sa kanilang relasyon.

Sa Instagram post ni Shy kahapon, August 14, nagbahagi siya ng kasiyahan sa estado ng kanyang buhay ngayon.

Nag-comment naman si Jon ng maiksi ngunit sweet message para kay Shy, "I love youuu."


Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hashtags member Jon Lucas reveals that he married It's Showtime dancer Shy Ferras on October 25, 2017. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results