CJ Ramos returns to acting via FPJ's Ang Probinsyano; thankful to Coco Martin for giving him second chance

by Arniel C. Serato
Aug 16, 2018
CJ Ramos shares selfie with Coco Martin on the set of FPJ's Ang Probinsyano.

Magbabalik-telebisyon na ang dating child actor na si CJ Ramos ilang araw matapos makalabas sa Caloocan City Police Station jail noong August 9, 2018.

Sa post niya sa kanyang bagong gawang Instagram account kahapon, August 15, ibinahagi ni CJ ang larawan niya kasama ang bida ng FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin.

Sabi niya sa caption: "Boss #cocomartin #cjramos #angprobinsyano #blessings #secondchance #thankful #salamatbosscoco @mr.cocomartin.”

Ang prime-time series ng ABS-CBN ay halos tatlong taon nang umeere at nagiging comeback vehicle ng mga artistang matagal na nawala sa sirkulasyon.

Nakulong ng ilang araw si CJ matapos mahuli ng pulisya sa isang buy-bust operation sa may Tandang Sora, Quezon City, noong July 31.

Ayon sa ina niyang si Connie Ocampo, pumayag na si CJ na magpa-rehab sa isang private facility kapag nakalaya na ito.

Sabi naman sa half-brother niyang si Sherwin Ordoñez, baka abutin ng anim hanggang siyam na buwan ang rehabilitation process ni CJ.

Continue reading below ↓

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kampo ni CJ upang makakuha ng karagdagang detalye ukol dito.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
cj ramos, Coco Martin
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
CJ Ramos shares selfie with Coco Martin on the set of FPJ's Ang Probinsyano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results