Valerie Concepcion now engaged to non-showbiz boyfriend Francis Sunga

by Arniel C. Serato
Aug 17, 2018
Actress Valerie Concepcion and non-showbiz boyfriend Francis Sunga prove long-distance relationship works.

Engaged na ang Kapuso actress na si Valerie Concepcion, 30, sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Francis Sunga, 37.

Sa Instagram post ng Ika-5 Utos star kahapon, August 16, ibinahagi ni Valerie ang larawan ng kanyang engagement ring kung saan makikita rin si Francis.

Mensahe ni Valerie sa caption: “Missin’ you, mahal ko.”

Missin’ you, mahal ko. ??

A post shared by Valerie Concepcion ???????? (@v_concepcion) on

WHO IS VALERIE CONCEPCION'S BOYFRIEND?

Isang taon at pitong buwan na ang relasyon ni Valerie at ng kanyang boyfriend, na isang court clerk sa Guam. Nagkakilala sila taong 2017, noong nagbakasyon ang huli sa Pilipinas. Gaya ni Valerie, may anak din ang Fil-Am from his previous relationship.

Kaagad namang bumuhos ang congratulatory messages mula sa mga kaibigan ni Valerie mula sa showbiz.

Kabilang sa mga bumati sa kanya ay sina Ana Roces, Yasmien Kurdi, RR Enriquez, Ehra Madrigal, Isabel Oli, Maxene Magalona, Carla Abellana, Denise Laurel, Kiko Estrada, Meg Imperial, at Carmen Soo.


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

Noong first anniversary nila last January 23, 2018, nag-post din sa Valerie sa Instagram ng madamdaming mensahe para sa boyfriend.

Aniya, "When I met you, I didn’t know that you’ll have a huge impact in my life.

"Now, I can’t imagine my life without you.

"P.S. Still thankful for my lucky stars that night. I love you so so much!

"#Happy1stAnniversary #latepost 1.23.2018.”

Aprubado naman daw ng anak ni Valerie na si Fiona ang kanilang relasyon.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Valerie Concepcion and non-showbiz boyfriend Francis Sunga prove long-distance relationship works.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results