Andi Eigenmann in a relationship with champion surfer?

by Bernie V. Franco
Aug 23, 2018
Actress Andi Eigenmann is now being romantically linked to a champion surfer in Siargao Island.

May bagong karelasyon na ba si Andi Eigenmann?

Wala pang direktang pag-amin ang 28-year-old actress kung boyfriend na niya ang isang non-showbiz guy, pero makahulugan ang birthday message ni Andi para sa lalaki na ipinost niya sa Instagram.

Bukod dito, may ilang artikulo na ring lumabas online na diumano’y in a relationship na ang anak ni Jaclyn Jose at ng yumaong aktor na si Mark Gil.

Kinilala ang bagong boyfriend diumano ni Andi na si Philmar Alipayo, tubong-Siargao at kauna-unahang champion ng Philippine Surfing Championship Tour Men’s Division noong 2017.


Continue reading below ↓

Noong nakaraang linggo, nag-post si Andi sa Instagram ng silhouette photo ng dalawang tao sa may tabing dagat.

Bagamat madilim, maaaninag na si Andi ang babaeng nasa larawan.

Matutukoy namang si Philmar ang lalaki dahil naka-tag ito sa mensahe ng aktres.

Mensahe ni Andi: “Happy birthday @chepoxz! You are easily, one of my favorite people in the world!

"You have the biggest heart I know, and you never fail to put a smile on everybody’s faces day by day.”

Bahagi pa ng mensahe ni Andi na nasa salitang Surigaonon, “Lalo na sa ako. Salamat karajaw sa lahat! Malipajun ako na ini kaw sa amo kinabuhi.”

Sa Tagalog: “Salamat nang marami. Masaya ako na dumating ka sa buhay namin.”

Sa comments section, sumagot si Philmar: “Salamat karajaw, sobra ko sab ka malipajun.”

Ipinost din ni Philmar ang parehong picture sa kanyang Instagram account.

Continue reading below ↓

Makahulugan din ang kanyang maiksing caption: “Can’t complain [heart emoji]”

May hashtag itong #lifeisbetterwithyou.

Can’t complain ?? #saislasiargao #lifeisinparadise #lifeisbetterwithyou

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz) on

Caption naman ni Philmar sa isang solo pic niya: “Feeling single #hotterthanyourgf #singlenomore”

Feeling single ???????? #hotterthanyourgf #singlenomore ???? @brenstormin

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz) on

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kina Andi at Philmar upang kumpirmahin kung magkarelasyon na nga ba sila, subalit hindi pa sila sumasagot.

Ang huling naging nobyo ni Andi ay ang modelong si Emilio Arambulo.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Andi Eigenmann is now being romantically linked to a champion surfer in Siargao Island.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results