Sharon Cuneta speaks up about KC Concepcion's ex, current boyfriend

by Rachelle Siazon
Aug 23, 2018
Sharon Cuneta has nothing but good words for KC Concepcion's ex-boyfriend Aly Borromeo: "Napakadisente at bait din niya. But you cannot force something that isn't meant to be. I pray he finds the right one for him too." KC is now in a relationship with French filmmaker-businessman Pierre Emmanuel Plassart.

Nilinaw ni Sharon Cuneta na wala siya sa posisyon upang mamili kung sino kina Pierre Emmanuel Plassart at Aly Borromeo ang mas gusto ng Megastar para sa anak niyang si KC Concepcion.

Si Pierre, isang French filmmaker at businessman, ang current boyfriend ni KC.

Habang si Aly, isang professional football player, ay dalawang taong nakarelasyon ni KC hanggang sa naghiwalay sila nitong March 2018.

Sa kaso ni Aly, sinabi ni Sharon na nagkataon lang na hindi talaga ito ang nakatadhana para kay KC.

“I and our family will always love Aly. He will always still have a family in us.

“Napakadisente at bait din niya.

“But you cannot force something that isn't meant to be.

“I pray he finds the right one for him too,” sagot ng Megastar sa isang netizen.

Continue reading below ↓

Bilang ina ni KC, sinabi ni Sharon na susuportahan niya kung saan masaya ang anak.

“Di lumalabas ang tunay na ugali ng isang tao que lalaki o babae until bf mo na.

“Kundi dapat, huwag pilitin. Move on to the next.

“Lalo kung si KC, laging may pila. Kesa pilitin tapos hiwalay lang.”


Continue reading below ↓

HAPPY FOR KC AND PIERRE

Sa kaso ni Pierre, bukas sa pagsasabi si Sharon na aprubado niya ito sa dahil kilala na niya ito mula noong nanliligaw pa lang ito kay KC noong 2011.

Nagbahagi si Sharon ng litrato nina KC at Pierre na may kalakip pang heart, star, at praying emojis—na nagpapahiwatig na umaasa ang Megastar na maging maganda ang takbo ng relasyon ng bagong magkasintahan.

P & K ?????????????????????????????????????? @itskcconcepcion @peplassart

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Nagparinig din si Sharon na matagal na niyang inaasam-asam na lumagay sa tahimik ang panganay niyang si KC.

Ani Sharon, “19 pa lang ako paglabas ni KC isip ko na mga magiging apo ko.”


Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta has nothing but good words for KC Concepcion's ex-boyfriend Aly Borromeo: "Napakadisente at bait din niya. But you cannot force something that isn't meant to be. I pray he finds the right one for him too." KC is now in a relationship with French filmmaker-businessman Pierre Emmanuel Plassart.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results