Marlo Mortel's mother dies after long battle with cancer

by Bernie V. Franco
Aug 24, 2018
ABS-CBN actor-singer Marlo Mortel's mother, Merlie Pamintuan, succumbs to cancer. Marlo posts a touching message for his mom on social media. 

Pumanaw na ang ina ng ABS-CBN singer-actor na si Marlo Mortel.

Ayon sa text message na ipinadala ni Marlo kay Thess Gubi ng Star Magic, binawian ng buhay si Merlie Pamintuan kaninang alas-otso ng umaga nitong Biyernes, August 24. Siya ay 49 years old.

Pahayag ni Marlo tungkol sa pagpanaw ng ina, "Namatay na mainly because of cancer but more on madami na masyadong complications.

"May pumutok na blood vessel sa may lungs nung Tuesday na nag-cause ng internal bleeding kaya dun na siya nagsimulang maging critical.

"Nawala na siya, pero kinausap ko siya nang kinausap kaya nagising pa siya after few hours.

"Ta's nag-stay pa sya ng 2 days hanggang sa di na kinaya. Sobrang naging manas siya ta's tumigil na heart niya."

Sa kanya namang Instagram post ngayon ding araw, isang madamdaming post para sa yumaong ina ang ibinahagi ni Marlo kalakip ng kanilang larawan.

Mensahe nito, “Mommy. I can’t believe this is happening.

Continue reading below ↓

"I’m in so much pain. I don’t want to, but I have to let you go.

“All you ever did was love me and take care of me.

“I’m sorry for all my shortcomings but thank you for fighting, until your last breath you waited for me.”

Inilahad din ni Marlo na halos bumigay na ang kanyang pinakamamahal na ina subalit lumalaban ito kapag kinakausap niya.

“You were almost gone the other night but when I kept on talking to you, you responded and was able to stay with us for 2 more days.

“We were able to say our goodbyes.”

Positibo namang pagpapatuloy ng singer-actor, “But this isn’t goodbye, I know you’re watching over us now. Kahit mahirap, kakayanin namin to ni daddy.

“Sobrang hirap ng pinagdaanan mo and you may rest now.

Continue reading below ↓

“My love for you is never ending. Si Jesus na ang bahala sayo at sa amin ni daddy. MAHAL NA MAHAL KITA.”

Kamakalawa ay nag-post sa social media si Marlo at nakiusap na ipagdasal ang kanyang ina dahil sa kritikal na kalagayan nito.

“We’re losing her,” bahagi ng caption ng aktor.

Taong 2015 nang isiwalat ni Marlo ang pakikipaglaban ng kanyang ina sa cancer.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa post ni Marlo ay sunud-sunod ang mensahe ng pakikiramay ng mga kapwa niya artista dahil sa pagpanaw ng kanyang ina.


Continue reading below ↓


Read Next
Read More Stories About
Marlo Mortel
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN actor-singer Marlo Mortel's mother, Merlie Pamintuan, succumbs to cancer. Marlo posts a touching message for his mom on social media. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results