Kisses Delavin refuses to choose between Donny Pangilinan and Tony Labrusca

by Melba R. Llanera
Aug 27, 2018
Kisses Delavin is currently being paired with Donny Pangilinan (left), but some fans also want her to be paired with Tony Labrusca (right).

Umiwas si Kisses Delavin nang tanungin kung sino kina Donny Pangilinan at Tony Labrusca ang mas gusto niyang maka-love team kung mabibigyan siya ng pagkakataong mamili.

Paliwanag ng Kapamilya young actress, “Huwag na lang kasi naaaway ako.

“Saka love ko equally ang mga supporters, masasaktan sila kung pipili ako.”

Kung sina Kisses at Donny (DonKiss) ay nagkasama na sa pelikulang Walwal, wala pang proyektong pinasasamahan sina Kisses at Tony ngunit nabuo na ang tambalan nilang KissTon.

Sabi ni Kisses tungkol sa kanila ni Tony, “Currently, wala kaming projects ngayon, pero I'm happy that we have kept the friendship.”

Labis naman ang pasasalamat ni Kisses na pagkatapos ng Walwal ay muli silang magkakasama ni Donny sa upcoming ABS-CBN drama series na Playhouse, na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

Sabi pa niya, “I’m really excited and I'm thankful to the management sa project na ito.

Continue reading below ↓

“Siyempre masaya kasi nagtutulungan kami at sinusuportahan namin ang isa't isa.

“I think that's what makes a great love team.”

Ang Playhouse din ang kauna-unahang teeserye ni Kisses sa Kapamilya network.

"I'm just really happy working with really kind and talented people," sambit niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kisses Delavin is currently being paired with Donny Pangilinan (left), but some fans also want her to be paired with Tony Labrusca (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results