Kim Rodriguez opens up about suitor from New Zealand

Kim Rodriguez hopes suitor from New Zealand is Mr. Right.
by John Fontanilla
Aug 28, 2018
Kim Rodriguez opens up about suitor from New Zealand who has been courting her for two years. She explained why she hasn't answered him yet. "Wala pa kasi akong planong mag-boyfriend. Kasi gusto ko munang mag-focus sa career sa ngayon, sa family and sa business."

Very inspired daw magtrabaho ngayon ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez

Ito ay dahil sa manliligaw na nakilala niya nang magbakasyon siya sa bansang New Zealand.

Kuwento ni Kim, "Eto, kung happy ang career, happy din ang love life, and inspired ako ngayon.

"Non-showbiz siya. Foreigner siya and nasa getting-to-know-each-other stage pa lang kami."

Paglalarawan pa niya sa foreigner suitor, "Taga-New Zealand, pero half Kiwi-half Italian siya.

"Yung dad niya taga Italy, and then pumunta sila ng New Zealand at doon na sila nanirahan."

Tumanggi naman si Kim na pangalanan ang foreigner suitor.

Aniya, "Naku, huwag na po kasi non-showbiz naman siya, at hindi siya ma-showbiz na tao."

Paano niya idi-describe ang manliligaw?

"Matangkad, maputi, guwapo, sobrang bait, at gentleman.

"Hindi katulad ng ibang mga foreigners na ang cold-cold, siya yung ugali niya, parang Pinoy din."

Ibinahagi rin ni Kim kung paano sila nagkakilala ng manliligaw.

"Bale kasi yung ibang mga relatives namin taga-New Zealand, at nagkataon na yung mga relatives niya, kakilala at kaibigan ng mga kamag-anak ko doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ipnakilala nila siya sa akin nang magbakasyon ako doon.

"Bale magtu-two years na rin kaming magkakilala and okey naman siya, willing to wait."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim matapos ang guesting nito sa radio show na Sikat sa Barangay ng Barangay LSFM 97.1 kamakailan.

FOREIGNER SUITOR

Dahil sa banyagang suitor ay nadiskubre rin ni Kim ang pagkakaiba ng mga Pinoy at foreigners pagdating sa panliligaw.

Aniya, "Naku, sa kanila hindi na uso yung ligaw-ligaw. Nalaman lang niya yung panliligaw nang ikinuwento ko sa kanya.

"Sa kanila kasi, magdi-date lang at pag gusto niyo ang isa't isa, kayo na. Yun yung kuwento niya sa akin.

"Pero sabi ko sa kanya, hindi puwede yung ganun sa Pilipinas. Dapat manligaw siya. Umoo naman, hahaha!

"Sabi ko kasi, paano namin malalaman ang isa't isa kung hindi siya manliligaw?"

Naipakilala na rin daw ni Kim ang suitor sa kanyang ina.

"Yup, kilala na siya ng mommy ko. Okey naman sa kanya, mabait daw at may respeto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Si Mommy kasi, kung saan ako masaya, sinusuportahan niya ako.

"Basta sabi niya lang, pumili ako ng lalaki na hindi lang ako ang mamahalin, kung hindi [pati] pamilya ko."

Kahit matagal na itong nanliligaw sa kanya, wala pa raw balak si Kim na dalhin sa next level ang kanilang pagsusuyuan.

Paliwanag niya, "Wala pa kasi akong planong mag-boyfriend.

"Kasi gusto ko munang mag-focus sa career sa ngayon, sa family and sa business."

Ito na kaya ang kanyang Mr Right?

Sagot ni Kim, "Sana siya si Mr Right.

"Pero yun lang, hindi naman kasi natin hawak ang panahon if hanggang kailan niya kayang maghintay, and kailan ba ako ulit magiging ready na ma-in love.

"Who knows, di ba, baka bigla na lang isang araw paggising ko, sagutin ko na siya?"

Naniniwala ka sa long-distance relationship?

"Actually, kung magiging kami naman, I believe in fate. Kung para kami sa isa't isa, kami talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dati kasi hindi ako naniniwala. Pero ngayon, na-realize ko na baka puwede.

"Bibigyan mo lang siguro ng chance na i-try para malaman mo na baka nga naman puwede."

BUSINESS VENTURE

Naikuwento rin ni Kim ang balak na pagpasok sa negosyo.

Aniya, "Actually, ako at yung brother ang may idea na mag-business.

"Kasi yung brother ko, kakauwi lang galing barko. Chef siya dun.

"So, kaming dalawa ang nagplano na magbukas ng resto-bar para di na siya umalis ng bansa. Dahil chef na siya yung magluluto at ako naman yung endorser."

Bakit resto bar ang napili nilang concept?

"Parehas kasi kaming mahilig magluto ng brother ko, kaya yun yung business na naisipan naming buksan.

"And yung resto bar, gagawin naming pang-millennials and pampamilya na rin."

Dagdag ni Kim, "Para na rin may pupuntahan yung kinikita ko sa pag-aartista.

"At para na rin after [Inday Will Always Love You] at wala pa akong kasunod na project, may pagkakaabalahan ako at pagkakakitaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Investment na rin para sa future."

Nalalapit na rin daw ang pagbubukas ng resto-bar na ito.

Kuwento ni Kim, "ASAP, actually naghahanap na kami ng magandang location sa QC."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Rodriguez opens up about suitor from New Zealand who has been courting her for two years. She explained why she hasn't answered him yet. "Wala pa kasi akong planong mag-boyfriend. Kasi gusto ko munang mag-focus sa career sa ngayon, sa family and sa business."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results