Kakai Bautista reveals asking for forgiveness from Ahron Villena

by Bernie V. Franco
Aug 29, 2018
Comedienne Kakai Bautista reveals it took her two years to finally get over her feelings for actor Ahron Villena. She says, "Okay na kami ngayon, 'tapos sinabi ko sa kanya, naging vocal ako sa kanya na, ‘Wala na, wala na yung romanticism kasi naka-move on na ako sa iyo.’ And yun talaga kasi yung pinagpi-pray ko, tanggalin yung hatred."

Emosyunal si Kakai Bautista na inaming humingi siya ng tawad kay Ahron Villena sa mga pagkakataong sinumbatan niya ang aktor dahil sa kanilang nakaraan.

Dalawang taon ang inabot bago nagkabati ang dalawa.

“Kasi sinabi ko sa kanya na, ‘Forgive me.’

"Kasi may mga times na inaaway ko pa rin siya, nasusumbatan ko siya, binabalik ko [ang nakaraan]," paliwanag ni Kakai sa episode ng GMA-7 morning talk show na Sarap Diva noong August 25, Sabado.

Patuloy niya, “Naawa na rin ako sa kanya kasi siya na lang yung hindi nagsasalita.

“Sabi ko, ‘Huwag mo akong sisihin kasi sobrang painful. Tsaka dalawang taon ko talagang pinag-pray kay Lord na sana pag nakita na kita ulit, okay na ako.’

“Kasi ayokong buhatin niya ang burden na nasaktan niya ako kasi, on his part, masakit din yun.

"Kasi kilala ko din naman yung tao, minahal ko, alam ko yung kanyang family background and all that.

Continue reading below ↓

“Basta sabi ko na lang, maging thankful na lang tayo kay Lord kasi Siya talaga yung may gawa.

"Kahit pagtawanan tayo ng mga tao, ang importante, okay tayo.

"Kahit hindi na natin sabihin sa kanila kung ano ba tayo or ‘Ano ba iyan, naggagamitan,’ ang importante, ibinigay na ni Lord yung timing [na magkabati]."

Taong 2016 nang ma-link sina Kakai at Ahron.

Subalit nauwi ito sa away dahil sa mga binitawan nilang salita laban sa isa't isa, kagaya ng makahulugang pahayag ni Kakai sa pagkalalaki ni Ahron at pagsumbat ni Ahron kay Kakai na hindi sila naging magkarelasyon.

Dalawang taon ang nakalipas, nagkabati ang dalawa at nagkatrabaho pa sa pelikula.

Saad ni Kakai, “Okay na kami ngayon, 'tapos sinabi ko sa kanya, naging vocal ako sa kanya na, ‘Wala na, wala na yung romanticism kasi naka-move on na ako sa iyo.’

"And yun talaga kasi yung pinagpi-pray ko, tanggalin yung hatred."

Continue reading below ↓

Naiiyak pang sabi ng comedienne, “Sobrang thankful kami parehas kasi kung hindi siguro nangyari yun, hindi kami magiging ganito ka-okay."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Kakai Bautista, Ahron Villena
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne Kakai Bautista reveals it took her two years to finally get over her feelings for actor Ahron Villena. She says, "Okay na kami ngayon, 'tapos sinabi ko sa kanya, naging vocal ako sa kanya na, ‘Wala na, wala na yung romanticism kasi naka-move on na ako sa iyo.’ And yun talaga kasi yung pinagpi-pray ko, tanggalin yung hatred."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results