Ang Probinsyano bit player Arnold Corpuz found dead in his Cavite home

by Arniel C. Serato
Aug 30, 2018
Stab wounds found on actor Arnold Corpuz, who had small roles in Be Careful With My Heart, Bagani, and Ang Probinsyano.

Natagpuang patay ang bit player na si Arnold Corpuz, 38, sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Biga 1, Silang, Cavite kahapon, August 29.

Si Arnold ay napanood sa ilang teleserye ng ABS-CBN.

Gumanap siya bilang mayor na in-ambush sa FPJ's Ang Probinsyano.

Lumabas din siya sa Bagani at gumanap na driver ni Sir Chef (karakter ni Richard Yap) sa Be Careful With My Heart.

Ayon sa ulat ng DZMM ngayong Huwebes, August 30, nagtaka raw ang mga kapatid ng aktor na hindi nila ito makontak sa telepono simula pa noong Lunes, August 27, kaya puwersahan nilang pinasok ang bahay nito.

Laking gulat nila nang tumambad sa kanila ang wala nang buhay na katawan ni Arnold na tadtad ng saksak.

Ang tanging suot lamang nito ay underwear at medyas.

Mag-isa lang na nakatira sa bahay niya si Arnold, ngunit palagi raw itong tumatanggap ng mga bisita.

May natagpuang alak at tatlong baso sa bandang terrace ng kanyang bahay.

Continue reading below ↓

Ayon sa pulisya, nawawala ang dalawang cell phone nito at ilang alahas.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

FLASH REPORT: Aktor na si Arnold Corpuz, natagpuang patay sa pananaksak sa Cavite | Ulat ni @lady_vicencio pic.twitter.com/TR7povW0Qc

Dalawang taon na rin daw si Arnold sa networking business.

Makikita naman sa Facebook profile ni Arnold ang mga selfie nito kasama ang ilang Kapamilya stars.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stab wounds found on actor Arnold Corpuz, who had small roles in Be Careful With My Heart, Bagani, and Ang Probinsyano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results