John Lloyd Cruz spotted eating balut, buying durian for partner Ellen Adarna

by Arniel C. Serato
Aug 31, 2018
According to a fruit stall owner in Pasig City, John Lloyd Cruz is their "celebrity suki" after posting photos of the actor buying durian for his partner Ellen Adarna.

Tila ini-enjoy ngayon ni John Lloyd Cruz ang kanyang pagiging private citizen na malayo sa mga rolyo ng camera at intriga sa showbiz.

Pero hindi pa rin maiwasan ng ilang netizens mag-post ng mga larawan o video ni John Lloyd kapag nakikita nila ang aktor sa mga pampublikong lugar.

Kagaya na lamang noong August 24, Biyernes, kung saan namataan si John Lloyd sa 70's Bistro bar sa Quezon City kasama ang musikerong si Dong Abay, ang veteran actor na si Ronnie Lazaro, at ilan pang mga kaibigan.

Noong nakaraang Lunes naman, August 27, namataan si John Lloyd na kumakain ng balut sa sidewalk kasama ang TV5 comedian na si Jun Sabayton.

junlloyd #balut

A post shared by Photo Album (@peopleintheneighborhood) on

Kasunod nito, nag-post ang isang fruit-stand owner sa Pasig City ng ilang larawan ni John Lloyd kung saan namili raw ito ng prutas para sa partner na si Ellen Adarna noon ding Lunes.

Nakasaad sa caption ni Sandra’s Fruit Stand, “A sweet and handsome guy drop by at our store to buy fresh durian for Ms. Ellen Adarna.

Continue reading below ↓

"He even watch how to open our fresh fruit. Thanks for stopping by John Lloyd Cruz… #choosetoLiveHealthy #OurCelebritySuki #wedeliver #anytimeanywhere.”

Continue reading below ↓
Sa darating na Setyembre ay isang taon na mula nang maiulat ang kontrobersiyal na Bantayan Island escapade nina John Lloyd at Ellen.
Noong November 2017 naman iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na buntis na si Ellen sa anak nila ni John Lloyd.
Pagkatapos nito, inanunsiyo na ng ABS-CBN na ma-i-indefinite leave muna sa showbiz ang aktor.

Isinilang ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd na si Elias Modesto noong June 27, 2018.

STORIES WE ARE TRACKING
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to a fruit stall owner in Pasig City, John Lloyd Cruz is their "celebrity suki" after posting photos of the actor buying durian for his partner Ellen Adarna.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results