Bumiyahe patungong Hong Kong ang magkasintahang sina Barbie Forteza at Jak Roberto noong Sabado, September 1.
Kasama nila ang kapatid ni Jak na si Sanya Lopez at ang ama ni Barbie na si Antonio Forteza.
Mukhang sa bakasyong ito ay isinabay na rin nina Barbie at Jak ang pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan.
August 21, 2017 nang kumpirmahin ni Barbie, 21, ang relasyon nila ni Jak, 24, sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan inilarawan niya ang kanilang mga sarili bilang “monay at pandesal.”
"Monay” ang tawag ni Barbie sa sarili dahil sa bilugan niyang mukha.
“Pandesal” naman ang deskripsiyon sa “Pambansang Abs” na si Jak.
"I'M LUCKY"
Kasunod nito, inisa-isa ng Kapuso actress ang mga dahilan kung bakit masuwerte siya bilang nobya ni Jak.
Aniya, “Get a man who would annoy you, take you to the highest of heights knowing how much you hate it and make you walk all day and get lost in the rain just to get to the shoe store.
“But also... Make you laugh even when you don’t want to, eat a loooot with you even when he has a body to maintain, never tells you, 'You’re getting fat,' even when you’re sure you are, tells you, 'You’re so beautiful,' when you’re sweating from long walks, pulls you close and kisses you on the forehead outside that shoe store, and never let's go of your hand no matter what.
“I’m lucky.”
