Alex Gonzaga rebukes negative comment of KathNiel fan

by Bernie V. Franco
Sep 5, 2018
Kapamilya actress-host Alex Gonzaga opposes a KathNiel fan who criticized her upcoming movie and even called it a potential flop. 

Kinontra ni Alex Gonzaga ang isang fan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel) na nag-tweet at nilait ang upcoming movie ng ABS-CBN TV host-actress.

Tinawag na “flop” at “OA” ng netizen ang upcoming movie ni Alex na Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka.

Tweet ng KathNiel fan, “I’m not buying the new movie of Alex Gonzaga hahahahha!!! Amoy flop na naman!!! Sobrang OA lang ng datingan e!! Try harder teh.”

Burado na ang negatibong komento ng netizen subalit may nakapag-screenshot nito.


Continue reading below ↓

Sagot ni Alex sa komento ng KathNiel fan, “Hi Kathniel fan, thank you for your comment about our movie but i must rebuke your words.

"I’ll let God dictate what #NakalimutanKoNa outcome will be.

"Kumbaga sa X batallion, hayaan mo na sila.”

Ipinahayag ni Alex na matagal na niyang sinusuportahan ang KathNiel love team, gayundin ang kanilang fans, maliban sa nang-bash sa kanya.

Nag-congratulate pa si Alex sa tagumpay ng latest movie ng KathNiel, ang The Hows of Us.

Sa comments section, humingi naman ng paumanhin ang ibang KathNiel fans sa inasal ng kanilang fellow fan.

Tiniyak din ng mga ito na susuportahan nila ang pelikula ni Alex, kagaya ng pagsuporta ng TV host-actress sa kanilang mga idolo.


Continue reading below ↓


Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress-host Alex Gonzaga opposes a KathNiel fan who criticized her upcoming movie and even called it a potential flop. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results