Rayver Cruz reveals reason for leaving ABS-CBN, returning to GMA-7

by Bernie V. Franco
Sep 6, 2018
Rayver Cruz on his network transfer: "Napagdesisyunan namin na I think it's time to move on, and to explore and face new challenges."

Inabot ng higit isang taon bago nakapagdesisyon si Rayver Cruz na bumalik sa GMA-7.

Ito ang inamin ng 29-anyos na aktor sa pagpirma niya ng kontrata sa Kapuso network, sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network Center, sa Quezon City, ngayong Huwebes, September 6.

Pahayag ni Rayver sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters, "Di naman madali. Matagal din. Mga siguro more than a year.

"More than a year din kaming nag-uusap ng manager ko and siyempre ang family ko, so hindi naman siya biglaan.

"Yun nga, napagkasunduan namin and ako rin, dinesisyunan ko na, 'Ano naman tayo, try natin i-explore and i-open ang options natin sa ibang opportunities.'

"As an actor kasi, sa tinagal ko na sa industriya, siyempre, at this point of my career, gusto ko rin isipin yung future ng career.

"And I think ang daming opportunities ang maibibigay sa akin ang GMA Network regarding sa mga projects and kung anuman ang challenging roles na pwede nilang maibigay."

Continue reading below ↓

STARTING ANEW

Nagsimula ang showbiz career ni Rayver bilang child actor sa bakuran ng GMA-7 noong mid-'90s.

Lumipat siya sa ABS-CBN noong 2000 at nanatiling Kapamilya sa loob ng 18 taon.

Kaya naman mahabang proseso bago niya napagdesisyunang lumipat ng network.

Saad niya, "Gaya nga ng sabi ko, I consulted with my friends, non-showbiz friends, with my family, of course, my manager, and napagdesisyunan namin na I think it’s time to move on, and to explore and face new challenges."

Nag-expire daw ang kontrata niya sa ABS-CBN noong March 2018.

Ayon pa kay Rayver, "Nagawa ko naman lahat ng nagawa ko sa ABS-CBN, and I’m really thankful and really grateful sa lahat ng naibigay nila sa akin.

"I mean, I am what I am today because of them, and very thankful.

"They will always be my family.

"Pero yun nga, napagdesisyunan namin na it’s time to move naman, to move on, and to move here.

Continue reading below ↓

"And right now, I’m very excited to start a show and work with people, new people, new environment."

Usisa ng PEP.ph, ano ang reaksiyon ng Kapamilya management nang magpaalam siya?

Pahayag ni Rayver, "Naiintindihan naman and ano naman, maayos naman po yung paalam ko.

"Siyempre, kakausapin ko talaga sila nang maayos dahil for the longest time, sila naman talaga ang nag-alaga sa akin.

"And yun nga, kagaya ng sabi ko, kung anuman meron ako ngayon, dahil sa kanila.

"Yung training na natanggap ko, dahil sa kanila and sobrang thankful ako, sobrang blessed din ako.

"Pero ngayon, it’s time to start new and fresh start, new people, new family, so I’m really excited."

FIRST PROJECT AS A KAPUSO

Ang unang proyekto ni Rayver sa pagbabalik niya sa GMA-7 ay isang teleserye kasama sina Kris Bernal at Thea Tolentino.

Lahad niya, "Excited na ako na makatrabaho silang dalawa and then mag-start dun sa show.

Continue reading below ↓

"I think wala pang final details about the title, pero yun, mag-i-start ako dun.

"And na-excite ako kasi maganda yung istorya.

"Love story siya na kakaiba, very exciting.

"Basta maganda siya and excited ako na mag-start na mapalabas and mapanood ng tao."

Read Next
Read More Stories About
Rayver Cruz
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz on his network transfer: "Napagdesisyunan namin na I think it's time to move on, and to explore and face new challenges."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results