Inihayag ni Devon Seron, 25, na ang puso niya ay pagmamay-ari na ni Kiko Estrada, 23.
Base ito sa Instagram post ni Kiko kahapon, September 8, kung saan ibinahagi niya ang larawan ni Devon.
View this post on Instagram
Walang inilagay na anumang caption sa post si Kiko, ngunit si Devon ay nagkomento ng heart emoji katabi ng katagang “yours.”

Hindi na napigilan nina Devon at Kiko na isapubliko ang maganda nilang pagtitinginan, isang buwan mula nang aminin ng bagong Kapuso actress sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mayroon siyang boyfriend na taga-showbiz.
Bagamat hindi pinangalanan ni Devon kung sino ang boyfriend na tinutukoy niya, kapansin-pansin ang magkakasunod na pagbahagi nila ni Kiko ng kanilang sweet photos and videos sa Instagram.
Tulad na lang nang dumalo sila sa 80th birthday ni Mother Lily Monteverde sa Crowne Plaza noong Agosto.
Dito ay naringgan pa si Kiko na tinawag na “babe” si Devon habang sila ay nag-uusap sa loob ng ballroom.

APPROVAL FROM SHOWBIZ COLLEAGUES
Samantala, pati kapwa-artista nilang sina Donny Pangilinan, Jeric Gonzales, Kisses Delavin, Elmo Magalona, Charee Pineda, at TJ Marquez ay kinikilig din sa relasyong Devon at Kiko.
Narito ang ilan sa kanilang comments sa mga larawan nina Devon at Kiko sa Instagram account ng Kapuso actor:





Nagkasama sina Devon at Kiko sa mga pelikulang Pwera Usog (2017) at Walwal (2018).
