Matteo Guidicelli asks girlfriend Sarah Geronimo to be his ABS-CBN Ball date

by Arniel C. Serato
Sep 7, 2018
Matteo Guidicelli confirms attending the upcoming ABS-CBN Ball; hopes girlfriend Sarah Geronimo will come with him. 

Kilig na kilig si Matteo Guidicelli habang kinukuwento ang tungkol sa nalalapit na kauna-unahang ABS-CBN Ball.

Almost sure na kasing ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo ang magiging ka-date ng singer-actor.

Sa panayam ng DZMM reporter na si Ahwel Paz kay Matteo sa Dubai para sa Global Pinoy Idol doon ngayong araw, September 7, kinumpirma niyang dadalo siya sa nasabing event.

Sabi ni Matteo, "Oh, yes, yes. I'm attending the ABS-CBN Ball and, hopefully, Sarah comes with me."

Inimbitahan daw niya ang nobya na samahan siya sa pinakamalaking pagtitipon ng Kapamilya stars sa September 29

Sabi ni Matteo, "Of course, of course."

Ano naman ang sabi ni Sarah sa kanya?

"We'll see. We'll see. Hopefully, she comes."

Malaki ba ang tsansa na sa unang pagkakataon ay maka-date niya ang girlfriend sa isang engrandeng pagtitipon?

Kinikilig at nakangiting sabi ni Matteo, "I guess, maybe, 75 to 85 percent chance.

"We'll see, we'll see."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli confirms attending the upcoming ABS-CBN Ball; hopes girlfriend Sarah Geronimo will come with him. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results