Isa sa mga nagiging biktima ng body-shaming ay ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela.
Tuwing may pinu-post siyang photo niya sa kanyang social media accounts, lagi na lang napipintasan ang kanyang mukha at katawan.
Lagi na lang daw napapansin ang kanyang height, malulusog na boobs, malapad na balakang, bilugang mukha at malalaking hita.
Noong una raw ay napipikon si Rita at minsan ay nakakaranas siya ng depression.
Pero ngayon ay tanggap na ni Rita ang kanyang katawan at natutunan na niyang dedmahin ang mga pintas ng mga body-shamers.
Wala nga naman daw perpektong katawan at para maging masaya siya, ine-embrace na niya ang lahat ng imperfections ng katawan niya.
Dahil dito ay kinuha si Rita ng FHM Philippines para sa kanilang latest issue on Body Positivity.
Kaya sa kanyang Instagram noong nakaraang September 6, nag-post si Rita ng isang mahalagang mensahe na sana raw ay maging inspirasyon para sa maraming kababaihan na tulad niya na hinihiya dahil sa kanyang katawan.
Heto ang kanyang post sa IG:
Dagdag pa ni Rita sa isang IG post: "Be proud, be you and embrace yourself"
Kasalukuyang napapanood si Rita sa GMA afternoon prime teleserye na My Special Tatay.
