Maine Mendoza quashes gamitan issue with Alden Richards

by Rachelle Siazon
Sep 12, 2018
Maine Mendoza quashes issue that she will resort to using perennial leading man Alden Richards to promote her solo endeavors.

Inalmahan ni Maine Mendoza ang isyung gamitan diumano sa pagitan nila ni Alden Richards upang patuloy na suportahan ng AlDub fans ang kani-kanilang indibidwal na proyekto.

Ang AlDub ang uniname ng phenomenal love team nina Alden at Yaya Dub na nagsimula sa “Kalyeserye” segment ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga! noong 2015.

Nag-ugat ang isyu sa Twitter post ng nagpakilalang AlDub fan na may Twitter handle na @PaaNgMaichard, na nagbabala sa mga masugid na tagasuporta ni Maine na tigilan ang pang-aakusang “user” si Alden.

Ito ay sa kadahilanang pareho lang umano sina Alden at Maine na may solong proyektong ipinu-promote sa kasalukuyan.

Pahayag ng netizen:

Nakarating kay Maine ang tweet ng netizen at saka nito inihayag na hindi niya kailangang manggamit para lang suportahan ang kanyang mga proyekto.

Tweet ni Maine:

Nananatiling co-hosts sina Alden at Maine sa Eat Bulaga! hanggang sa kasalukuyan.

Si Alden ay solong pinagbibidahan ang GMA-7 prime-time series na Victor Magtanggol, kung saan love interest niya sina Janine Gutierrez at Andrea Torres.

Continue reading below ↓

Habang si Maine ay kasama nina Coco Martin at Vic Sotto na pagbibidahan ang 2018 Metro Manila Film Festival entry na Jack Em Popoy: The PulisCredibles.

Noong July 2018, iginiit ni Alden na suportado nila ni Maine ang isa't isa sa kabila ng isyung pinupukol sa kanila dahil sa hiwalay nilang mga proyekto.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Parang, kami po kasi, ang take po namin ni Maine, as long as nagkakaintindihan po kami sa mga ginagawa namin, okey po kami.

"This is more for exploration of Alden, exploration of Maine," sabi ng Kapuso actor.

Noong panahong iyon ay nag-tweet din si Maine ng kanyang pagsuporta sa solong teleserye ni Alden.

Ani Maine kay Alden, "You will always have my support."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza quashes issue that she will resort to using perennial leading man Alden Richards to promote her solo endeavors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results