Nanawagan ng dasal at panalangin si Raquel Pempengco para sa inang si Tess Relucio, na kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) sa isang ospital.
Ayon sa Facebook post ni Raquel ngayong Martes ng umaga, September 18, napatiran ng ugat sa ulo ang kanyang ina.
Umaasa rin siyang magparamdam ang paboritong apo ni Lola Tess na si Jake Zyrus.
Sabi ni Raquel sa post niya, "Please pray for her... She's in the ICU right now... (napatiran ng ugat sa ulo).
"Masama man akong anak sa tingin nya wala akong magagawa Nanay ko pa rin xa...
"Sana magparamdam ang paborito nyang apo, ngayon xa kylangan nito... #PRAYFORHER."
