Angelica Panganiban admires Carlo Aquino's "yummy biceps"

by Rachelle Siazon
Sep 18, 2018
Angelica Panganiban tells ex-boyfriend Carlo Aquino: "Ang yummy mo ngayon!"

Walang pasubaling hinarot ni Angelica Panganiban ang ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino habang magkasama silang tumambay sa isang tindahan kagabi, September 17.

Sa Instagram Story ni Angelica, kinunan niya ng video si Carlo na nakasuot ng sleeveless boxer shirt at kumportableng nakaupo sa tapat ng tindahan.

Sabay hayag ni Angelica ng paghanga kay Carlo, “Chori, ang yummy talaga ng biceps mo lately. Ang yummy mo ngayon. Tingnan mo!”

View this post on Instagram

"Yummy biceps" #CarGel @iamangelicap @jose_liwanag

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12) on

Base sa hiwalay na Instagram Story ni Carlo, nakaupo sila sa loob ng kotse nang pasimpleng kunan niya si Angelica na seryosong abala sa kung anumang ginagawa nito sa hawak na mobile phone.

“Huli ka!” nakangiting turan ni Carlo.

Natatawang hinampas ni Angelica si Carlo at sinabing “bwisit!”

View this post on Instagram

Meet meet din kung may time @jose_liwanag @iamangelicap #cargel

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12) on

Bukas sina Angelica at Carlo sa pagsasabing nanatili silang malapit na magkaibigan kahit na nasaktan ang dalaga sa hiwalayan nila noong 2006.

Kahit noong panahong may kanya-kanya pa silang karelasyon ay hindi naputol ang komunikasyon sa pagitan nila.

Continue reading below ↓

Mas dumalas pa ang pagkikita nila nang pareho silang maging single at nagkaroon ng pagkakataong magbalik-tambalan sa isang pelikula.

Noon lang September 11 ay namataang bumisita si Carlo at mga magulang ng aktor sa bahay ni Angelica sa Quezon City.

Gayunman, sa mga nakaraang panayam kina Carlo at Angelica ay parheo nilang nilinaw na walang ligawang nangyayari sa pagitan nila sa ngayon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban tells ex-boyfriend Carlo Aquino: "Ang yummy mo ngayon!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results